Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, September 2, 2008

Hindi raw ‘insecure’ si Angel sa ibang prinsesa ng Dos

Hindi raw ‘insecure’ si Angel sa ibang prinsesa ng Dos
Written by Julie Bonifacio
Angel Locsin Pictures in her 2008 Fans Day in Boy & Kris

PIGIL SI ANGEL Locsin na magsalita sa mga tanong tungkol sa kanila ni Claudine Barretto kahit nagkaayos na sila nu’ng makorner namin siya sa strory conference/presscon ng first movie nila ni Piolo Pascual. Okey na raw sila at minsan nagkakausap ni Claudine. Payag din siyang makatrabaho si Claudine kung may project for them.


“Actually, kapag nagsalita ako medyo foul na rin, because importante sa akin okey na kami. Ayaw ko na talagang pag-usapan. Sa tingin ko mas okey na rin. Kung may problema kayo sa isa’t isa, nadadala ‘yun sa usapan na hindi naman kailangan i-involve ninyo lahat ng tao sa paligid ninyo. So, ayun. Pero may respeto ako kay Ms. Claudine,” pahayag ni Angel.
Wala ring insecurity si Angel sa ibang mga “prinsesa” ng ABS-CBN tulad nina Bea Alonzo, KC Concepcion at iba pa.


“Sa amin, ginagawa lang namin ang trabaho namin and proud kami kapag meron kaming na-achieve na maganda or tama, ‘coz alam naman namin kung gaano kahirap ‘yun, ‘di ba? Wala namang isyu-isyu. Trabaho lang naman, ‘di ba? ‘Tsaka ‘yung usapang prinsesa-prinsesa, kalokohan ‘yun. Sa totoo lang, ayaw kong maging prinsesa.”


Nagbiro naman si Angel na mas okey na sa kanya ang maging muse. After all, siya naman ang prinsesa sa buhay ni Luis Manzano. “Yeah, sana. Hahaha!”


Oo nga naman.






JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: