Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, September 24, 2008

GMA-7 sure of another jackpot in Mark Anthony-Heart team-up for "Luna Mystica"

GMA-7 sure of another jackpot in Mark Anthony-Heart team-up for "Luna Mystica"

Nakakuha ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng additional information sa Luna Mystica, ang susunod na primetime series ni Mark Anthony Fernandez sa GMA-7 pagkatapos ng Ako Si Kim Samsoon. Ayaw pa sanang mag-release ng detalye ang isang konektado sa produksiyon ng Luna Mystica dahil maaga pa raw, pero dahil nabanggit na rin ito ni Mark Anthony sa panayam sa kanya ng PEP, pumayag din ang aming source na magbigay ng karagdagang detalye. (Click here to read related article.)

Ayon sa aming source, mid-October na raw ang simula ng taping ng fantasy-drama na ito to be directed by Mike Tuviera at head writer naman si RJ Nuevas. Sometime in November ang airing ng Luna Mystica na papalit sa Codename: Asero, kung saan si Heart din ang leading lady ni Richard Gutierrez.

Pinipili pa raw ang ibang cast, pero ang sigurado pa lang ay sina Sheryl Cruz, as the main contravida, at sina Kris Bernal at Aljur Abrenica na napapanood ngayon sa Dyesebel. Balik-GMA 7 si Sheryl sa series na ito. Sa mga nagtatanong kung bakit kinuhang muli ng GMA-7 ang serbisyo ni Sheryl, sinabi ng aming source na magaling naman itong artista at mahal ng aktres ang Kapuso network.

Gaya ng nasulat ng PEP, hindi sasayangin ng GMA-7 ang kasikatan at husay ni Mark. Kaya sa mga nag-aalala na hindi magagamit ng aktor ang kanyang kahusayan sa pag-arte dahil fantaserye ang gagawin niya, tiniyak ng aming source na pinag-aaralan nang husto ang project na ibibigay kay Mark, at alam nilang naka-jackpot na naman sila na ipareha ito kay Heart.

Samantala, galing sa Naga si Mark para sa Kapuso Night sa fiesta ng Our Lady of Pe├▒afrancia. Gaya ng mga nangyayari sa mga pinupuntahan nitong lugar, pinagkaguluhan na naman ang kaguwapuhan nito.

Kuwento ni Rams David, ang production unit manager ng Ako Si Kim Samsoon at Luna Mystica, kahit umulan ay hindi nag-alisan ang tao at nagbukas na lang ng payong dahil sa kagustuhang makita si Mark.

Kasama ni Mark Anthony na pinagkaguluhan sa Naga sina Mark Herras at Angelika dela Cruz. Kababalik pa lang kahapon ng grupo, pero may request na agad na pabalikin si Mark.




Source: PEP


JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: