Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, September 3, 2008

A female fan hits Rafael Rosell's butt while performing with Coverboys in L.A.

A female fan hits Rafael Rosell's butt while performing with Coverboys in L.A.

A female fan hits Rafael Rosell's butt while performing with Coverboys in L.A.
It was so convenient for Rafael Rosell for the interview requested by PEP (Philippine Entertainment Portal). Kahapon, September 2, nakipagkita kami kay Rafael sa tapat lang mismo ng condominium na tinutuluyan niya sa Sgt. Esguerra Street, Quezon City, just a stone's throw away from ABS-CBN.

Nang makarating kami sa Figaro para sa interview ay wala pang tatlong minuto ay dumating na rin ang aktor na nanggaling pa mismo sa kanyang tinitirhan.

"Enjoy ang trip namin sa U.S. with the Coverboys," kuwento agad ni Rafael. "Umikot kami sa Hayward, Los Angeles, at Chicago. Sa mga napuntahan namin para sa shows, talagang sobrang okay ang response ng crowds.

"Sa States, ang napansin ko lang, may tatlong klase ng fans. Mayroong super diehard, yung talagang maiingay and really all-out demonstrative sa kanilang support. Mayroon namang tahimik lang, may pagka-reserve. Hindi mo maintindihan kung nakikiramdam lang o mahiyain to show their feelings. Pangatlo, yung pumapalakpak naman at naa-appreciate kahit paano kung ano yung sa palagay nila, really pleases them."

Pero ang pinaka-memorable daw na nangyari sa kanya sa US tour na yun ng Coverboys—with Jake Cuenca, Zanjoe Marudo, Jon Avila, and Victor Basa—ay nang mag-perform sila sa Grand Theater sa Los Angeles.

"I was singing 'Smack That,' bumaba ako sa audience. There was this girl, nang tumalikod ako, grabe! She really hit my butt! As in she slapped it real hard! Medyo masakit, but I didn't react violently naman. Kasi nakita ko sa kanya, sobrang natuwa lang siya at nanggigil.

"Ang ginawa ko, dinala ko siya sa stage. After my number, she made that stance to hit me again in the butt, talagang tumakbo na ako!" tawa nang tawa si Rafael sa kanyang very memorable experience na yun.

Sa Chicago, nabanggit ni Rafael na nag-perform ang grupo nila sa Pickwick Theater. Sa San Francisco, sa Chabot College Auditorium naman sila nag-perform.

"It was really fun with the group. Ako kasi, third time ko na bale sa States. Masarap talaga doon, kasi walang masyadong pollution, walang traffic. Very wide ang roads. At mababait ang mga tao roon. Lahat yata, tuwang-tuwa sa amin. Isinasama kami para mag-shopping. They give us clothes, watches, pasalubongs.

"Somebody even gave me a Wi-Fi router. Imagine, may pagka-expensive din yun, pero talagang natuwa sa akin, niregaluhan ako without even asking. Maraming salamat talaga sa mga kababayan natin doon na nanood ng shows namin, at nakipagkaibigan din talaga sila," banggit niya.

BACK TO WORK. Sa pagbabalik ni Rafael sa Pilipinas, trabaho agad ang hinarap niya. Diretso siya sa set ng teleseryeng Humiling Ka Lang sa Langit para sa mga eksena nila ni Judy Ann Santos.

"Nang sabihin kasi sa akin na ang role ko sa teleserye ay balikbayan, parang walang masyadong challenge sa akin. Pero inisip ko na lang, chance yun na makatrabaho ko si Juday, who's very friendly and pleasant to work with.

"At hindi naman araw-araw, nabibigyan ako ng chance to work with big stars like Juday. Ang role ko doon, ako yung boyfriend niya sa States, na kaya siya bumalik sa Pilipinas ay dahil sa family niya.

"Actually, when I read the script, kahit sa first part at last part lang ako halos mapapanood, yung conflict sa love angle namin ang pagmumulan ng iba pang conflicts sa istorya, lalo na sa kanila ni Derek [Ramsay]," kuwento ng hunky actor.

Not just one, but two teleseryes ang nakatakdang katampukan ni Rafael dahil nagte-taping na rin siya ng soap operang Moon River na pagbibidahan nina Maja Salvador at Jodi Sta. Maria.

"Nag-resume na rin kami ng shooting for that Viva movie, yung Civil Status: Single, where I play a bartender working in a gaybar. Umalis din muna kasi si Rufa Mae Quinto at ako naman, naka-schedule for the U.S. tour with the Coverboys kaya nahinto ang shooting. Pero I'm very sure, magtutuloy-tuloy na kami diyan," pagwawakas ni Rafael.




Source: PEP






JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: