Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, September 9, 2008

Eddie: ang sarap-sarap pa rin!


Eddie: ang sarap-sarap pa rin!
Written by Chit Ramos
EDDIE GUTIERREZ & ANNABELLE RAMA (photo by VER PAULINO) by verongski4

WALANG KAKUPAS-KUPAS TALAGA si Annabelle Rama hanggang ngayon. Hanggang langit pa rin ang pagmamahal niya kay Eddie Gutierrez. Huwag magkamaling tanungin siya at matatalo ang lahat ng babaeng nagmamahal, and this time includes their only daughter Ruffa.
“Hay naku, lokang-loka pa rin ako sa asawa ko, dahil ang sarap-sarap pa rin niya!” Aniya. At hindi lang daw ang sarap-sarap magmahal ng kanyang one and only, kundi ang sarap-sarap kung ano man ang iniisip ng bawa’t magbabasa ng BULLCHIT. Yes po, aktibo pa rin ang sex life niya at naibibigay pa rin ni Eddie ang lahat ng kanyang pangangailangan.


“Hindi talaga ako nagsasawa sa kanya. Titingnan mo lang siya, mag-iinit ka na. Ang sarap-sarap ding yakapin. Mainit-init lagi ang kanyang katawan. Kung mayroon pa d’yang mga babaeng tulad noon na nagnanasa sa kanya, lalo silang mabibigo ngayon. Sa akin na lang ang init ng katawan niya, alam n’yo na iyon.”


Ipinagtapat din ni Annabelle na siya talaga ang unang lumapit kay Eddie at nagpakilala ng sarili niya. “Bago kasi ako nagkaroon ng pagkakataong makita siya nang malapitan, nagplano pa ako. Lumuwas pa ako ng Maynila noon (from Cebu) para makita siya nang personal. Nahirapan ako, dahil, sikat na sikat nga. Lagi akong nagsususot ng mga seksing damit para mapansin niya ako kung magkita kami. Sa totoo lang, nag-artista pa ako para makilala lang siya o mapansin niya ako. Nag-bold ako, ‘Day, para makita niya kung gaano ako ka-flawless at kung gaano ako mag-alaga ng katawan.


“Nang ma-gets ko naman siya, ako lang lagi ang ‘I love you’ nang ‘I love you’ sa kanya. Feeling ko kasi, hindi pa niya napi-feel ang tulad ng napi-feel ko. Pero ngayon, siya na ang laging nag-a-‘I love you’ sa akin, hahaha!


“Kapag nagseselos ako noon, inamoy-amoy ko siyang lagi. Baka amoy ibang babae. Naku, ‘Day, pati jockey niya, inaamoy-amoy ko rin. Baka ‘ika ko, galing sa ibang babae. ‘Pag nalaman ko kung sino ang babae, sinusugod ko agad. Sinasampal-sampal ko, sinasabunutan. Ini-eskandalo. Kinulam ko pa nga si Eddie para ma-in love sa akin. Pero, ngayon, siya na ang in love na in love sa akin. Masayang-masaya na ako.”





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: