Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, September 3, 2008

E, ikaw Luis Manzano? PIOLO PASCUAL, NAKITA NA ANG IPINAGMAMALAKI NI ANGEL LOCSIN

E, ikaw Luis Manzano? PIOLO PASCUAL, NAKITA NA ANG IPINAGMAMALAKI NI ANGEL LOCSIN











"MASARAP mangabayo," deklara ni Piolo Pascual nang makausap namin sa story and presscon ng gagawin nilang movie ni Angel Locsin sa Star Cinema mula sa direksiyon ni Rory Quintos.

Dahil cowboy at cowgirl ang roles nila ni Angel sa movie, required silang dalawa na mangabayo. Kaya naman, nag-training pa sila sa Manila Polo Club under Vic Barba.

Hindi naman daw ito ang first time niyang mangabayo, dahil na-try na rin niya sa Tagaytay at Baguio. Pero mas seryoso raw talaga ngayon dahil kailangan sa role.

"Our coach, si Mr. Vic Barba, napaka-patient. He really wants us to learn. Mikee (Cojuangco) was also there (sa training). Once in a while, she gives us tips. Nakakatuwa siya kasi she'd always watch us, ino-observe niya kami ni Angel. Once in a while, lumalapit sa amin and tinutulungan din niya kami."

Hindi ba siya nangati sa pangangabayo?

"Nangangamoy-kabayo ako," he said laughing. "Actually, galing ako sa training."

Bagama't unang pelikula nila ito ni Angel, pangalawang pagsasama na nila ito dahil katatapos lang ng matagumpay na serye nilang Lobo last July kaya masasabing gamay na rin nila ang isa't isa dahil walong buwan din silang nagkatrabaho sa serye.

Kung sa Lobo ay hindi nag-blown into something more than friendship ang relasyon nila ni Angel, posible kayang dito sa pelikula ay ma-in love sila lalo't sa Outback ng Australia kukunan ang movie?

"Eight months kaming nagtrabaho sa Lobo ni Angel and Angel is very professional, dedicated siya sa trabaho, devoted. And we share the same passion in our line of work. We always wanna be able to give out the best. We always wanna perform well, and masarap siyang katrabaho," sagot ni Piolo na hindi naman nasagot ang tanong.

Muli naming ibinalik ang tanong, hindi ba siya ninenerbiyos na baka ma-in love siya kay Angel kapag nasa Australia na sila?

"Hindi ko po alam," ang naisagot lang ng aktor.

Marami ang nagsasabi na nag-improve ang acting ni Angel and he should be proud dahil siya ang kasama nito.

"Ayoko namang magbuhat ng sariling bangko but Angel is a revelation to me. Hindi ko naman siya napapanood dati. Nu'ng makatrabaho ko siya, natuwa rin ako kasi nakita ko talaga na meron palang ibubuga 'to you know.

"Masaya ako na nakita ko talaga na meron siyang...kaya naman pala malakas ang loob niyang lumipat o malakas ang loob ng gumawa ng step na risky is because meron siyang bibigay, meron siyang ibubuga. So, bilib ako sa kanya sa ganu'ng aspeto."

Sa tanong kung paano niya ire-rate si Angel bilang leading lady, aniya ay ayaw niyang magbigay ng rating dahil magkakaiba naman daw ang lahat ng naging leading ladies niya.

Sino ang pinaka-favorite leading lady niya?

"Wala po. Ayokong ma-stress," sabi niyang tumatawa.

Anyway, ngayong araw na ito ang alis nila ni Angel for Bukidnon para simulan na ang project. Pagkatapos nito'y sa Australia naman sila kung saan kukunan ang iba pang bahagi ng pelikula. May play date nang November 12 ang movie at bahagi pa rin ng 15th anniversary offering ng Star Cinema.

Halaw sa panulat ni Vinia Vivar sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: