Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, September 3, 2008

Dahil sa awa sa aktor, Cristine Reyes, gusto nang hiwalayan si Dennis Trillo!

Dahil sa awa sa aktor, Cristine Reyes, gusto nang hiwalayan si Dennis Trillo!
Written by Chit Ramos

Cristine Reyes Autograph Signing FHM1
TIYAK NA MALILIGAYAHAN na si Carlene Aguilar, dahil ang latest tsismis tungkol kay Cristine Reyes, gusto na nitong makipaghiwalay kay Dennis Trillo.


Hindi naman daw kasi siya titigilan ng ex ni Dennis. At awang-awa na rin siya sa binatang-ama. Lagi na lamang itong inaaway ni Carlene at laging ipinananakot o tinatakot na hindi na ipakikita sa ama nito ang kanyang anak. At hindi lamang banta, tinototoo ni Carlene ang kanyang sinabi. Walang magawa si Dennis kundi maiyak na lamang. Totoo raw po ito. Kahit mga machong lalaki, talaga namang naiiyak kapag ang ipinagkakait sa kanila ay sariling anak.


Munting kibot, tatawag si Carlene at bubungangaan si Dennis. Munting issue na mababasa sa mga diyaryo, totoo man o hindi, pinalalaki nito. Sa halip tuloy na makapag-focus si Dennis sa trabaho, natatakot ito sa bawa’t pag-tawag ng ina ng kanyang anak. Alam niyang panibagong issue na naman ito at panibagong pagbabanta.


Makabubuti nga raw na maghiwalay na lang sila si Dennis. Baka pati siya, maapektuhan na rin ng mga pinagsasabi nito. Ginagamit niya ang pagiging “babaeng iniwan ni Dennis” o “ginawang dalagang ina” lalo na ang isyung “babaeng iniwan ni Dennis dahil kay Cristine.”
Nahihirapan na daw si Christine at mas naapektuhan kapag nalulungkot si Dennis. Ganito nga kasi siya kung magmahal. Mas masasaktan siya kaysa kay Dennis.


Naku, tiyak na pupupugin si Cristine ng sangkatutak na manliligaw. Ngayon pa nga lang, maraming lalaki at eligible pa ang nagpapasabing mas welcome nila kapag nakipag-break nga o nakipaghiwalay si Cristine kay Dennis. “Magkaroon na kami ng chance sa younger sis ni Ara (Mina),” anang isang TV host. “Dennis loss, is our gain!” Patuloy nila.


Pati e-mails, tiyak na uulanin ang BullCHIT, pagka’t maya’t maya ay hinihintay pa rin nila ang paghihiwalay nina Cristine at Dennis. “Hindi po namin siya paiiyakin, tulad ng ginagawa ni Dennis, este ni Carlene pala,” promise nila.


Totoo rin marahil kay Cristine ang kasabihang “Unlucky in love, lucky in career!” Tulad ni Vima Santos at Nora Aunor, Alma Moreno at iba pang superstars.


Tulad ng pangyayaring kasama na naman si Cristine sa Banana Split comedy series ni Direk Bobot Mortiz. Makakasama din niya sina Valerie Concepcion, Angelica Panganiban, Kristine Hermosa, among others. As if hindi pa puno ang sked ni Cris sa teleserye niyang Kahit Isang Saglit with Jericho Rosales, Carmen Soo, Albert Martinez and Christopher de Leon, no less. Nariyan pa ang sarili niyang Eva Fonda, 16 na malapit na ring mapanood sa Kapamilya station.


She can be the next Anne Curtis, lalo’t under contract din siya sa Viva Films. Tulad ni Anne, sobra-sobra ang sex appeal ni Cristine. Baka magkaroon din siya ng Richard Gutierrez diyan, Oyo Boy Sotto, Sam Milby to also name a few. Uulitin ko, sobra kasi ang sex appeal ng babaeng ito.





Source: Pinoy Parazzi



JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: