Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, September 3, 2008

Cristine Reyes sinagot ang isyung hiwalay na sila ni Dennis


Cristine Reyes sinagot ang isyung hiwalay na sila ni Dennis
Dennis Trillo

Walang galit sa puso na nadarama si Cristine Reyes sa pag-amin ni Dennis Trillo na break na nga sila. She knew it was coming.

Actually, it was more than two (2) weeks nang naging masalimuot ang mga pangyayari and it was best for them to call it quits.

According to our very reliable grapevine, ang ti-po ng pagka-babae ni Cristine ay sacrificial lamb.

“Love is sacrifice” ang paniniwala niya. Kung hindi lang naman nakabubuti sa kanila ni Dennis ang kanilang relasyon, makabu-buting mag-hiwalay na lang sila.

“Nahihirapan na po ako. Naaawa na po ako kay Dennis. Gusto ko na pong maki-paghiwalay sa kanya para na-man sa ikatatahimik ng magulong sitwasyon.

“Hindi kasi ako titigilan ni Carlene. Pahihirapan niya talaga si Dennis, lalo’t alam niyang mahal na mahal nito ang kanilang anak. Ganun din ang parents ni Dennis,” himutok ng pagkaganda- gandang nakababatang kapatid ni Ara Mina.

It will take sometime for Cristine to mend her broken heart. Pero, nakapagdesisyon na siya. Wala siyang ikukorek sa lahat ng pahayag ni Dennis. Nagpapasalamat siya sa binatang ama dahil wa-la itong sinabi na makasa-sakit ng kanyang damda-min. Napanatili nito ang kanilang privacy at respeto sa isa’t isa. Napatuna-yan ni Dennis na he was worth the love she gave him all those moments that they were together.

It will take sometime also for her to love again. “Huwag na lang muna siguro. Ayoko na munang magmahal. I have my career to take care of.

“Nakakahiya naman sa lahat ng nagtitiwala sa akin sa showbiz. Binibigyan nila ako ng maraming projects. I better take care of it. Unahin ko na ang dapat unahin. Career na muna,” sabi pa raw ni Cristine.

Bale wala din sa kanya ang mga machong unti-unti ng lumilitaw at naghihintay lang ng confirmation ng hiwalay na nga sila ni Dennis.

Before their break up, dalawa pang pelikula ang nakadagdag sa kanya sa ilalim ng Star Cinema. Da-lawang malalaking pro-jects, na sapat para mai-pakita niya ang talentong nakita ng lahat sa Maala-ala Mo Kaya which was recently shown.

Nililinaw din ni Cristine ang balita na natitipuhan siya ni Jericho Rosales na kasama niya sa Kahit Isang Saglit teleserye na co-production venture ng ABS at isang Malaysian producer. “Huwag naman sanang bigyan ng malisya ang pasag-lit-sagli’t na pag-uusap namin ni Echo sa tapings ng KIS. Sila po ni Carmen Soo ang dapat i-link. Pero, nursing a broken heart pa siya, ang alam ko. At ganu’n din marahil ako sa nga-yon.”

Actually, for a while, maliban sa mumunting pa-hayag na ito na inihatid sa atin ng reliable grapevine, wala tayong maririnig mu-la kay Cristine ngayon.

“It’s the best that I can do. To void taking about it. Sana nga, makahabol siyang muli sa mga nakasabay niya. He deserves it. He is a good man!”






JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: