Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, September 8, 2008

Concert tour ni Gabby, kinansela

Concert tour ni Gabby, kinansela

NAKAUSAP namin si Arlene Lipana, ang co-producer ni Mommy Rose Flaminiano sa concert ni Gabby Concepcion kamakailan sa Music Museum.
Taliwas sa mga naglalabasang balita ay kumita ang concert at kaunti lang ang ipinamigay na complimentary tickets. Kami nga ay nautusan ng aming kaibigan na bumili ng 30 tickets na tig-P2,500.
Nahirapan kaming makakuha ng magandang upuan dahil nabili na ang mga magagandang lugar sa concert venue. Dahil 30 tickets ang binili namin ay nabigyan kami ng isang complimentary ticket, na ginamit ni Karen Martinez.
Noong panahong iyon ay hindi namin alam na co-producer si Mommy Rose ng concert.
Ang akala namin ay si Arlene lang ang producer.
Ewan kung bakit ayaw ipaalam ni Mommy Rose na co-producer siya rito.
Hindi rin alam ni Arlene kung bakit ayaw ipaalam ni Mommy Rose na kasosyo ito sa concert na iyon na opening salvo sana sa 20-city concert tour ni Gabby.
Naisip na lang namin na kaya ayaw ipaalam ni Mommy Rose na co-producer siya sa concert ay para makaiwas sa mga nanghihingi ng libreng tickets.
Nalaman lang ni Gabby na kasosyo si Mommy Rose nang mag-meeting sila sa ABS-CBN kung saan iniabot ni Arlene kay Mommy Rose ang kontrata about the concert.
Binasa ni Gabby ang kontrata. Doon niya nalaman na kasosyo sa concert ang manager niyang si Mommy Rose.
Nagalit daw si Gabby dahil hindi ipinaalam sa kanya na kasosyo si Mommy Rose.
Tumayo si Gabby at nag-walkout sa meeting na iyon.
Naguguluhan si Arlene. Damay siya sa problema nina Mommy Rose at Gabby.
Dahil sa mga nasusulat sa problema nina Gabby at Mommy Rose ay nawala na ang sponsors ng mga concert ni Gabby na gagawin sana sa iba’t ibang lungsod sa Pilipinas.
Malaki ang naging puhunan ni Arlene sa dala­wang gabing show ni Gabby sa Music Museum dahil napakaraming artistang binayaran.
Balak ni Arlene na bawiin ang malaking gastos sa mga upcoming concerts ni Gabby.
Eh hindi na nga matutuloy ang concert tour. Wala na kasing sponsors.
Ayaw ng sponsors na madamay sa gulong nangyayari.





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: