Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, September 8, 2008

Charlene, pikon na pikon kay Kris

Charlene, pikon na pikon kay Kris

MAY eksena pala sina Kris Aquino at Charlene Gonzalez. sa nakaraang fashion show ni Randy Ortiz.

Ang kuwento, sinita ni Kris si Charlene nang makitang hindi black ang suot nitong damit.

Ang usapan daw kasi ay naka-black ang lahat ng ‘Randy Ortiz Girls’ na kasama sa fashion show na ‘yon.

Ang dahilan daw ni Charlene, hindi niya sinadya ‘yon dahil ang damit na isinuot niya ay galing mismo kay Randy at ipina-deliver ng designer sa kanyang bahay dahil kagagaling lang niya ng Dubai.

Nag-dialogue pa raw si Kris na siguro ay gusto lang ni Charlene na maiba at magpa-star kaya iba ang kulay ng damit na isinuot nito.

Nagtimpi raw si Charlene, pero nang apat na beses nang nagparinig si Kris, kinompronta na raw ito ng misis ni Aga Muhlach.

Nagsabi raw kaagad si Kris na nagbibiro lang siya.

Hirit daw ni Charlene, apat na beses na siyang pinaringgan ni Kris, kaya hindi na biro ‘yon.

Nag-deny raw kaagad si Kris na apat na beses niyang pina­ringgan si Charlene. The most daw ay dalawang beses lang siyang nagbiro.

Hindi tumindi ang away ng da­lawa dahil tinalikuran na ni Kris si Charlene.

Nag-explain daw ang misis ni James Yap sa ibang naroon na nagbibiro lang siya.

Pero napikon daw talaga si Charlene sa ‘biro’ ni Kris.

Hanggang saan kaya hahantong ang ‘eksenang’ ito nina Kris at Charlene?

JUN LALIN
Abante Tonite







JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: