Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, September 9, 2008

BUO NA NAMAN ang “Drama Kings”

BUO NA NAMAN ang “Drama Kings”
Written by Chit Ramos

piolo, diether and jericho by lengers67

BUO NA NAMAN ang “Drama Kings” ng ABS-CBN. Bumalik na ang karisma ni Jericho Rosales tulad nina Papa Piolo Pascual at John Lloyd Cruz. Kung noon, damang-dama ang kakulangan ng mga naghahari sa Kapamilya station, ngayon ay buo na.


Damang-dama ang mainit na pagtanggap kay Echo sa presscon ng Kahit Isang Saglit. Kapani-paniwala ang pagyayabang nila na ito na nga ang pinakamalaking proyektong magaganap sa buong industriya. Hindi lamang sa ‘Pinas at Malaysia ito mapapanood, kundi sa buong mundo. May TFC nga kasi ang Kapamilya Station.


Kapansin-pansin lang ang paggamit ng pangalang “Rocky” at “Gary” bilang pangalan nina Echo at Carmen Soo sa teleserye. Hindi ba ito rin ang mga pangalan nina Echo at Christine Hermosa sa pelikulang Ngayong Nandito Ka mula rin sa Star Cinema. Hanggang ngayon, ipinalalabas pa rin ang nabanggit na movie sa Cinema 1, kung kaya’t mainit-init pa ito sa tainga ng mga dumalo sa presscon.


Ano nga kaya ang dahilan at ginamit nila itong muli?


Hindi puwedeng walang dahilan ang pag-ulit nila ang pangalang “Rocky” at “Gary.” Kung ano man ang dahilan, gusto itong malaman ng inyong lingkod at lahat ng manonood ng Kahit Isang Saglit siyempre.


Tanggap na tanggap din ng mga Pinoy fans ang leading lady ni Echo na itinuturing nang Malaysian Superstar. Kamukha nga raw ito ni Frankie (anak nina Sen. Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta). Na paglaki raw ni Frankie, magiging kamukha ito ni Carmen.





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: