Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, September 3, 2008

Balik-trabaho na si LT, matapos ang pilgrimage sa Holy Land

Balik-trabaho na si LT, matapos ang pilgrimage sa Holy Land
Written by Lolit Solis
LORNA TOLENTINO & RENZ FERNANDEZ (photo by Ver Paulino)

MEDYO VISIBLE NA ngayon si Lorna Tolentino sa showbiz pagkatapos niyang bumalik sa pilgrimage nila ng mga anak niya sa Holy Land.


Napag-usapan na ngang wagi ang ganda ni LT sa mga bansang inikot nila sa Holy Land kaya nang humarap ito sa press launch ng ini-endorse niyang PLDT MyDSL, ang daming nagulat sa sobrang ganda niya ngayon.


Medyo nadagdagan na nga siya ng timbang kaya hindi siya payat na payat pero lalo ngang gumanda ngayon ang alaga ko sa totoo lang. Ikinuwento nitong malaki ang nagawa ng pilgrimage nila sa Holy Land sa hinahanap nilang inner healing. Pero siyempre, sa araw-araw na ginawa ng Diyos, sinisikap ni LT na ma-heal pagkatapos pumanaw ni Rudy.
Unti-unti na siyang bumabalik sa trabaho gaya nitong ini-endorse niyang My DSL at pinagkakaabalahan din nito ang Hope CD 2 ng Star Records para sa binubuo niyang Rudy Fernandez Cancer Foundation.


May mga inaalok na guesting sa drama special kay LT pero tinitingnan muna niya ang kuwento kung kaya ba niya o gusto nitong gawin.


Nag-aaral pa kasi ngayon ng Film Directing si Ralph sa Mowelfund at gusto niya, idirek siya ng anak niya kapag puwede na itong isabak sa directing.


Si Renz naman, pinag-aaralan pa rin ang alok sa kanya ng GMA 7, pero mas prioritized pa rin niya ang pag-aaral dahil gusto talaga niyang maka-graduate at maipagmamalaki siya ng kanyang Papa at Mama.






Source: Pinpy Parazzi



JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: