Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, September 8, 2008

Ayon sa Mocha, katuwaan lang ang kanilang ‘laplapan!’

Ayon sa Mocha, katuwaan lang ang kanilang ‘laplapan!’
Written by Lolit Solis
September 8, 2008

Mocha

NAKU! GUMAWA NA naman ng ingay itong Pinoy Parazzi natin dahil sa lumabas na mga litrato ng Mocha girls na naglalaplapan.


Hindi ko ma-get kung tomboyita ba sila o kagagahan lang ang ginawa nilang maglaplapan.
Pahayag nila sa Startalk, nagulat daw sila nang lumabas ang litratong iyon, dahil wala raw silang kamalay-malay na meron palang nagkukuha ng litrato nila habang ginagawa nila iyon.
Paliwanag ni Mocha, private party raw iyun at nagkakasiyahan lang daw sila na kung saan naglaro sila nitong bodyshots.


Hindi ko naman alam kung ano ‘yang bodyshots, at hindi ko naman ma-get bakit kailangan nilang maglaro ng ganu’n. Basta katuwaan lang daw ‘yun.


Gaya din yata iyan sa isang bagets na miyembro ng PBB Teen na nag-inuman silang magkakabarkada at katuwaan, nagpasahan sila ng lemon sa pamamagitan ng kanilang bibig.


Ganun talaga! Kapag medyo lasing na, kung anu-anong kagagahan na ang naiisip. Pero nilinaw nitong Mocha na hindi sila tomboy gaya nang ipinapalabas ng diyaryo natin. Kaya pinag-iisipan daw nilang magdedemanda sila sa diyaryo natin.


Siyempre, bago naman natin ilabas iyan, alam natin ang consequence at kung ano ang haharapin natin paglabas ng mga litratong ganu’n.


Ang ipinagtataka ko lang, bakit namin kasi kailangang gawin nila ‘yun? Hindi mo naman makontrol ang mga ganu’ng bagay na merong kumuha ng litrato at ilalabas ito, kaya nga paparazzi ang tawag, ‘di ba?





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: