Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, September 3, 2008

Anne Natatalbugan ni Nikki Bacolod sa fantaseryeng Dyosa!!!

Anne Natatalbugan ni Nikki Bacolod sa fantaseryeng Dyosa!!!
Written by Archie de Calma

072708 dyosa
MAPUNTA NAMAN TAYO sa Dyosa, hindi namin napigilang i-text si Direk Wenn Deramas to congratulate him sa pakikipaglaban niyang mai-cast si Nikki Bacolod sa fantaseryeng ito.
Nikki plays contravida to Anne Curtis, and she shines, huh! Natatalbugan nga niya si Anne sa impact, huh! Tanong nang tanong ang mga kasambahay namin kung sino ba itong Nikki Bacolod na ito at mahusay raw pala, and to think, hindi ito verdaderang Kapamilya dahil mina-manage siya ng Viva.


Sabi nga ni Direk Wenn, isulat daw namin ang aming comment. Pero, hindi kaya maging dahilan ito para mapagsabihan sila na i-tone down ang exposures ni Nikki dahil natatalbugan niya sa intensity si Anne na siyang pinakabida sa Dyosa?


Sa napanood naming episodes ng Dyosa, hindi pa gaanong nagkukrus ang landas ng characters nina Nikki at Anne. Pero, sa mga eksena ng tapatan nina Nikki at Jaclyn Jose, hindi natitinag ang una.


Isa itong pagpapatunay na sadyang may angking husay ang dalagang ito, at deserving nga na ipaglaban siya ni Direk Wenn para sa isang mabigat na role sa teleserye, to think na marami ang salungat kay Direk na i-cast si Nikki rito dahil marami nga raw sa Star Magic ang nangangailangan ng exposure.


Eh, kaso, mukhang nakikita ni Direk Wenn kay Nikki ang tila hindi niya nararamdaman sa kung sinuman sa Star Magic talents ang iginigiit para sa nabanggit na role.








JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: