Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, September 24, 2008

Annabelle Rama -- Natakot Sa GMA Network?!?

Annabelle Rama -- Natakot Sa GMA Network?!?

Marami ang nagulat sa ginagawa ngayon ni Annabelle Rama, na pananahimik sa issue, na pinukol sa kanya nang head for entertainment nang GMA Network na si Wilma Galvante. Una na dito, ang sinabi ni Wilma, na she feel sorry for Annabelle, dahil sa mga inaasal nito. Saka mga issue, tungkol sa Araneta, at ang paglipat di umano nang home network o mother studio, nang talent at anak niyang si Richard Gutierrez.Knowing Annabelle, dapat ay nakapag tawag na ito nang mga media, para sa isang press conference, para sagutin ang mga akusasyon, at sagot sa kanya ni Wilma. Pero taliwas ang nangyayari. Ang matapang na bisayang ito, ay nanahimik, ngayon at umiiwas sa press. Hindi din pumupunta si Annabelle sa GMA Network.

Kung noon, ay halos araw araw, ay nasa GMA siya. Ngayong mga nakaraang araw ay, hindi siya napapagkikita doon. Madalas pa siyang makita sa ABS-CBN compound, na nagaalaga nang mga apo niya. Kasama ang kanilang ina na si Ruff Gutierrez, para sa taping nang up comming nitong teleserye ang I Love Betty La Fea.Kapag linalapitan ito nang mga press ay nakikiusap itong huwag muna, ngayon. Ayaw na muna niya nang intriga.

May tamang oras daw para sagutin ang mga issue.Ano kaya ang nangyari sa matapang na bisaya na kilala nating lahat??

Bakit parang nababahag ata ang buntot nito ngayon??

Natatakot ba siya, sa maaring gawin nang GMA Network, sa career nang mga talents niya??

Lalong lalo na para sa anak niyang si Richard Gutierrez??

Ano nga kaya ang mangyayari??

Abanagan natin!!




JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: