Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, September 9, 2008

Angelica Panganiban effective ang acting


Angelica Panganiban effective ang acting
Angelica Panganiban by Pran Delicious

Magmula pa noong siya ang cute at chubby na child star, ang ABS-CBN Star Magic jewel na si Angelica Panganiban ay nagpamalas ng galing sa pag-arte, lalo na sa drama.

Noong child star pa siya, napanood siya sa mga pelikula bilang anak nina Maricel Soriano at Vilma Santos. Matapos ang ilang taon, napabilang rin siya sa hit afternoon youth shows gaya ng Ang TV at G-mik.

Ngayon, si Angelica ay si Scarlet Dela Rhea - Castillejos, the woman everyone loves to hate sa teleseryeng Iisa Pa Lamang.

Ang pagganap ni Angelica sa papel na Scarlet ay umaani para sa kanya ng magandang feedback dahil ayon na nga sa marami, very effective ang kanyang pag-arte.

Nakakatulong rin na ang dialogue ng teleserye ay nag-iiwan ng tatak sa mga manonood. Sa labas ng kanyang character, inamin ni Angelica na sobra siyang in love sa staff, directors at co-artists niya sa Iisa Pa Lamang.

Sabi nga niya, “Ito talaga ang program na iiyakan ko pag natapos na. Never akong nagkaproblema sa taping saka sobrang saya lagi.”

Si Angelica ay isa nang versatile actress. Remarkable din ang kanyang pagganap sa mga pelikulang Santa Santita, Mano Po 3, All About Love at A Love Story pati na sa mga teleseryeng Mangarap Ka at Vietnam Rose.

Siya rin ang kauna-unahang cover girl ng Maxim magazine. Si Angelica ay endorser rin ng Bench at Mario D'Boro at malapit ng mapanood sa all-female gag show na Banana Split.

Nagpapasalamat si Angelica sa lahat ng blessings na natatamo niya ngayon.

Mas magiging perfect sana kung mabigyan siya ng chance ng kanyang mga detractors para maituwid ang mga isyu na ibinabato sa kanya gaya ng kanyang pagiging gimikera daw at ang kanyang “amnesia” lalo na sa press people.

Kung may masasabi tungkol kay Angelica, ito naman ay ang kanyang pagiging totoo. Hindi man siya machika tungkol sa kanyang private life. Hindi rin naman siya sinungaling at gagawa ng kuwento.

Sa kanyang pagkakaroon ng “amnesia” dapat na siguro siyang magsuot ng salamin para luminaw na ang kanyang paningin.




JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: