Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, September 3, 2008

Anabelle Rama pagkatapos ng premiere night, Biglang nanahimik??!


Anabelle Rama pagkatapos ng premiere night, Biglang nanahimik??!
Ruffa Gutierrez

PAUWI NA SI RUFFA Gutierrez after The Buzz last Sunday when we asked her kung bakit biglang nanahimik yata ang Mommy niya na si Anabelle Rama pagkatapos ng premiere night at first day of showing ng movie ng kapatid niyang si Richard Gutierrez with KC Concepcion na For The First Time.


“Naku! Nasa Cebu si Mommy. Feeling niya yata movie niya ‘yung ipalalabas doon at nililibot lahat ng sinehan sa Cebu. Dinadasalan din ni Mommy doon lahat ng Sto. NiƱo sa Cebu,” nakangiting sabi ni Ruffa.


Nakatsikahan din namin ang isa pa sa hosts ng The Buzz na si Boy Abunda at binati namin siya sa napakataas na rating ng Boy & Kris last week. Tinalo nila ang katapat na program sa kabilang network na nag-celebrate pa man din ng kanilang anniversary.


“Salamat, salamat. But you know naman that we’re beyond that,” seryosong-birong ni Kuya Boy.


Sumunod na nakatsikahan namin last Sunday sa The Buzz ay ang mahusay na aktor na si Jericho Rosales. Magbi-birthday pala siya sa third week of Septemebr. Pero nasa Malaysia na raw siya by that time. Doon na nila tatapusin ng leading lady niya na si Carmen Soo ang natitirang eksena nila para sa inaabangan at higanteng pagsasanib-puwersa ng ABS-CBN/Star Cinema Productions at Malaysia’s Double Vision sa teleseryeng Kahit Isang Saglit.
Malaking regalo tiyak kay Echo ang pagkikita nila ni John Estrada at pagbabati sa ASAP ’08. Natawa na lang si Echo nu’ng ipaalala namin sa kanya ang dahilan ng pag-aaway nila noon ni John. Nilinaw din ni Echo ang tsismis na sinisigaw-sigawan daw niya noon si Heart.
May time lang daw noon na mataas ang bosese niya, dahil sa mood niya lalo pa’t may konting problema sa trabaho. May mood din naman daw si Heart at mataas ang boses, pero hindi raw sila nagmumurahan. ‘Yun na.





Source: Pinoy Parazzi



JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: