Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, September 8, 2008

Ambisyosong call center agent, ginagamit si Piolo! Written by Melchor Bautista

Ambisyosong call center agent, ginagamit si Piolo!
Written by Melchor Bautista

Piolo Pascual
MAAMO AT MABAIT na tao si Piolo Pascual, kaya naman kahit walang katapusan ang intrigang kumukuwestiyon sa kanyang gender, mas marami pa rin ang nagmamahal at nagsisimpatiya sa kanya kesa sa dami ng bilang ng kanyang mga detractors na ang intensiyon, lagi siyang intrigahin para ibagsak. Gusto namin si Papa P, kaya hindi niya kami detractor.
Naawa at natawa lang kami nitong huli para kay Piolo.


Sobrang nakakabaliw lang kasi ang kadramahan ng ibang tao para siraan ang guwapong actor. Mayroon diumanong isang napakaguwapong call center agent d’yan sa Ortigas, ang nagki-claim ngayon, na sobrang nakikipagkaibigan daw sa kanya si Pascual. In fairness din, ayon sa mga nakakita na sa nasabing guy, artistahin at napakaguwapo nga raw. Umeeksena na kasi siya, at ipinakita na ang kanyang mukha sa ilang mga kasamahan natin sa panulat, sa pamamagitan ng internet.


Bulok ang style ng guwapong lalaking ito para makapanira. Masagwa ang kanyang motibo, dahil bakit kailangang sa mga movie writers siya makipag-communicate? Para isulat ang kanyang kadramahan? Nagpapapansin ba siya o gusto niya lang mag-artista? Masyado naman ‘tong ambisyoso!







JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: