Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, August 27, 2008

Zanjoe Marudo stars in six ABS-CBN shows and one movie with Star Cinema


Zanjoe Marudo stars in six ABS-CBN shows and one movie with Star Cinema

Zanjoe Marudo stars in six ABS-CBN shows and one movie with Star Cinema
Six television programs sa ABS-CBN and one movie na malapit nang simulan sa Star Cinema, paano kaya ito nakakaya ni Zanjoe Marudo? Ito ang unang tanong sa dating model na na-discover sa unang Pinoy Big Brother Celebrity Edition sa pocket interview na ibinigay para sa kanya ng Star Magic sa 9501 restaurant sa ELJ Loop ng ABS-CBN kagabi, August 26.

"Basta kaya ko, gagawin ko. Sila [Star Magic] naman ang nag-aayos ng schedule ko," nakangiting sagot ni Zanjoe habang sinasabayan sa pagkain ang ilang entertainment press.

Dagdag niya, "Na-miss ko rin ang pagte-taping dahil two weeks din akong nawala dahil sa shows namin ng Cover Boys. Pero hindi ko po ‘yon makakalimutan dahil first time kong nakarating sa States. Nang malaman ko ngang magkakaroon kami ng show sa States, inquiry pa lang sa Star Magic, talagang nagdasal akong matuloy ‘yon dahil nandoon ang father ko at tatlo ko pang kapatid, sa New Jersey sila naka-based. Kaya nadalaw ko po sila at nag-bonding kami, nagpunta rin kami sa New York, bago ako bumalik ng Pilipinas."

Dalawa sa shows ni Zanjoe ang kasalukuyang ipinalalabas na ngayon sa Kapamilya network. Una ang Dyosa, kung saan ginagampanan niya ang papel ni Mars, ang tao na katambal ni Anne Curtis bilang si Josephine. Siya naman si James sa Varga, kung saan love interest naman niya ang girlfriend na si Mariel Rodriguez who plays the title role.

Kasama rin si Zanjoe sa Florinda ni Maricel Soriano, kung saan makakatambal niya si Roxanne Guinoo. Soon ay mapapanood na rin ang gag show na Parekoy at nasimulan na rin nila ni Anne ang teleseryeng The Wedding. Every Sunday naman ay napapanood siya sa ASAP '08 with the Cover Boys.

"Nasabihan na rin ako na kasama sa cast ng movie na gagawin ni Senator Bong Revilla sa Star Cinema," sabi ni Zanjoe. "Makakasama rin namin sina Ruffa Gutierrez at Pokwang. Pero hindi ko pa alam kung sinu-sino ang iba naming kasama at kung sino ang magdidirek ng movie."

Isa na raw si Zanjoe sa most sought-after male actors in the country. Sa palagay ba niya ay ka-level na niya ni Piolo Pascual?

"Hindi naman po," sabi ni Zanjoe. "Siguro hindi ko man maabot ang napuntahan na ni Piolo at ng iba pang actors, yung matutunan ko man lamang ang mga ginawa nila ay sapat na sa akin."

FUTURE WITH MARIEL. Parang nagmamadali siyang kumita, siya ba ang breadwinner ng family niya? O paghahanda na ba ‘yon para sa future nila ni Mariel?

"Hindi naman, tulung-tulong kaming lahat. Kasama ko kasi rito ang mother ko at isa ko pang brother and a sister. Hindi pa ito para sa amin ni Mariel. Gusto ko munang masiguro ang future ko, then ang future ng family ko, then sa amin ni Mariel.

"Nang magkakilala kami ni Mariel, alam niya may mga pangarap akong gustong matupad. Gusto ko munang makapagpatayo ng sariling bahay, kung puwede somewhere in DasmariƱas or Forbes in Makati!" biro niya, sabay sabing, "Basta ‘yong lugar na malapit sa trabaho ko, okey na iyon sa akin."

Napag-usapan na ba nila ni Mariel ang pagpapakasal?

"Napag-uusapan din, pero hindi pa ngayon," sagot ni Zanjoe. "Alam niyang gusto ko munang maging maayos ang family ko. Sana at 30 years old, magpakasal na ako para kasabay kong lumaki ang mga anak namin. I'm 26 years old now, pero kung nag-30 na ako at hindi pa naman talaga ako puwedeng magpakasal, hindi pa rin siguro matutupad ‘yon. Yun naman ang maganda kay Mariel, naiintindihan niya kung ano ang gusto kong mangyari sa buhay ko."

MARIEL'S QUALITIES. Ano ba ang nagustuhan niya kay Mariel?

"Napaka-sweet niya, napakabait, matulungin din siya. Siya yung taong kapag may problema ka, kahit hindi ka naman niya gaanong kilala, gagawa siya ng paraan para matulungan ka. Napakanatural din niya. Kung ano yung napapanood mo sa TV, yun din siya sa personal.

"Actually, hindi pa ako sumasali sa PBB, fan na ako ni Mariel. Napapanood ko na siya noong nagho-host siya ng Extra Challenge with Paolo Bediones. Kahit sinasabi nilang mataba raw siya noon, maganda naman siya. Hindi ko siya kilala nang personal, sa PBB ko na lang siya nakilala.

"Magkasundo rin kami ni Mariel sa food. Ako kasi, mahilig akong kumain. Kahit ano kinakain ko, hindi ako nagda-diet, hindi rin ako nagwu-workout sa gym. Maganda ang metabolism ko kaya kahit ako kumain ng marami, maghapon lang akong matrabaho, kinabukasan, payat na naman ako. Kaya sinasabayan ko sa pagkain si Mariel. Yun nga lang, mahilig siya sa sweets," lahad ni Zanjoe.

Nagkatawanan nang tanungin si Zanjoe kung ano ang pasalubong niya kay Mariel, at kung ibinili raw ba niya ng underwear ang girlfriend. Sabi naman ni Zanjoe, damit daw lang ang binili niyang pasalubong kay Mariel. Hindi raw niya kasi alam kung ano ang size ng underwear nito.

Sa pagiging sila ni Mariel, nalimutan na ba niya si Bianca Gonzalez? Unang na-link si Zanjoe kay Bianca noong pareho pa silang housemates sa Bahay ni Kuya at siyang naging dahilan daw ng pakikipag-break kay Bianca ng boyfriend nito noon na si Direk Lino Cayetano

"Hindi ko naman nakakalimutan ang mga taong naging parte ng buhay ko," nakangiting sagot ni Zanjoe.

HORROR SERIES WITH THE DIAMOND STAR. Since nagte-taping na sila ng horror teleserye na Florinda, hindi ba siya nahirapang makasama si Maricel Soriano?

"Noong una, na-intimidate po ako kay Ms. Maricel," pag-amin i Zanjoe. "Makita ko pa lang siya, kinakabahan at natatakot na akong makaeksena siya. Pero mabait pala siya. Bago kami mag-take, kinakausap niya kami sa gagawin namin. Pagkatapos ng eksena, natutuwa naman siya sa performance namin, iba siya.

"Pero mahirap palang gumawa ng horror, matagal gawin ang eksena, malakas makaubos ng energy. Maganda lang kung mahuhusay ang artistang kasama mo. Ako kasi, nagdi-depend ako sa mga kasama ko sa eksena at sa direktor ko. Kaya sa palagay ko, kung mahuhusay sila, ginagawa ko rin ang best ko para hindi ako mapahiya sa kanila," pagtatapos ni Zanjoe.



Source: PEP







JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: