Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, August 27, 2008

Zanjoe Marudo sees self married by age 30

Zanjoe Marudo sees self married by age 30

Zanjoe Marudo sees self married by age 30
At 26, nakikita ni Zanjoe Marudo na magpapakasal siya at lalagay sa tahimik after four years.Gusto nga raw niyang makapagpatayo ng bahay rito sa Maynila, pero kung bibigyan siya ng layang mangarap, siyempre, ang gusto niya ay sa Forbes magkaroon ng kanyang magiging tahanan.

"Pero, hindi pa naman dumadapo sa utak ko ang kasal," sabi pa ni Zanjoe nang usisain siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal), lalo na't malaganap na ang chikang sila na nga ni Mariel Rodriguez.

"Kung dumating ang point na mapapag-aral ko ang mga anak ko sa magagandang eskuwelahan, yung point na hindi kami namumroblema sa pera, palagay ko, yun na ang time na pupuwede na siguro.

"Yung iisipin mo naman ang situwasyon kung magkakaroon na ng mga anak at kung ano ang magiging future nila," sabi pa ni Zanjoe.

Ayaw niyang makita ang mga anak niyang dumaranas ng hirap dahil nagkulang siya sa paghahanda at pagsisikap. Nakikita nga ni Zanjoe na posibleng mag-asawa na siya sa edad na 30.

"Kung susuwertehin, sa edad na 30, para naman bata pa ako, at ma-enjoy ko ang aking mga magiging anak," nangingiting sabi pa ng model-turned-actor.

Napansin nga ng ilang reporters sa interview kay Zanjoe sa 9501 Restaurant na pinapauso niya ang bough tie bilang fashion accent.

"Wala lang," aniya. "Napapansin ko lang kasi na wala pang gumagawa ng ganito. Puro naka-neck tie ang nakikita ko, at nababasa ko kasi sa fashion magazines, in ang ganito, at may mga nakita na rin kasi ako sa Amerika nang mag-tour kami roon ng Coverboys."

Tinatanong tuloy kay Zanjoe kung sino sa kanila nina Rafael Rosell, Jon Avila, at Victor Basa na nagsitungo roon ang parang nagpaka-wild.

"Walang naging wild," sabi pa ni Zanjoe. "Naging matino naman kami roon. Sa show lang kami talaga humahataw, at yung mga nanonood sa amin ang nagiging wild kapag darating na sa number na naka-underwear lang kami at naghuhubad na ng shirt."

Among the Coverboys na kasama roon, si Zanjoe ang bukod-tanging first-timer. Nagkaroon tuloy siya ng pagkakataong madalaw ang ama niya sa New Jersey.

"For me, yun na ang most exciting part ng trip, at kaya most memorable sa akin ang una kong pagpunta sa U.S."

Hindi naman niya nakalimutan si Mariel dahil sa pagbabalik niya, pinasalubungan niya ito ng damit.

Hindi naman daw underwear ang ibinigay niya kay Mariel dahil, "Hindi ko alam ang sukat niya!"


Ikinatawa tuloy ito ng maraming intrigera.




Source: PEP





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: