Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 11, 2008

Yasmien Kurdi prioritizing studies over career

Yasmien Kurdi prioritizing studies over career


UMIYAK si Yasmien Kurdi sa presscon ng "Loving You" sa harap ng mga kausap niyang reporters pagkatapos ng open forum. Nabanggit niya kasing magla-lie low siya sa kanyang showbiz career dahil gusto niyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Sinabihan siya ng mga reporter na sayang ang kanyang career na kung kailan pa pumi-pick up ay saka naman siya magla-lie low. Ani Yasmien, ayaw naman daw talaga ng daddy niyang pag-artistahin siya at gusto nitong makatapos siya ng pag-aaral kaya susundin niya ito.

Sumulat na nga raw siya sa GMA-7 dahil mai-stress siya kung pagsasabayin niya ang career at pag-aaral. Sa "SOP" na lang siya mapapanood. Kasama sana siya sa "Gagambino" pero inalis na siya dahil may conflict sa schedule ng klase niy ang taping nito. MWF (Monday, Wednesday, Friday) ang review classes niya sa Angelicum College and by October, lilipat siya sa New Era College para mag-aral ng International Studies. Foreign Service ang kukunin niyang course dahil gusto niyang magtrabaho abroad.

"Showbiz" is not forever. After college, magku-quit na ako sa showbiz. 'Yun din ang desisyon ng parents ko for me. Sinabihan ko na rin ang fans ko na magla-lie low muna ako sa showbiz career ko," ani Yasmien.

Ang ka-love team at kapareha niya sa "Loving You" na si JC de Vera ay nag-aaral din sa UP Open University. Sa presscon ng "LY", ayaw pa ring umamin nila Yasmien at JC na may relasyon sila. Ang press release ni Yasmien, "Okey lang kami ni JC. Komportable kami sa isa't isa." Noong nakita ni JC na umiiyak si Yasmien, nilapitan niya ito at hinaplos ang pisngi. 'Yun na!

Rowena Agilada, Tempo






JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

1 comment:

Anonymous said...

its ok naman na iproritized ni yas ung study nya eh.. maganda nga un kase mas sigurado xa sa future nya.. nde q naman cnsabing wala xang future sa showbiz pero mas maganda fah rin ung may pinagaralan.. go yas.. i support u.. or we..eheheeheh hopefully maisingit muh fah rin ung showbiz kahit fakonti konti.. goodluck more power to u and jc