Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, August 13, 2008

Yasmien Kurdi, ‘di tinanggap ang role sa Gagambino kaya walang trabaho!

Yasmien Kurdi, ‘di tinanggap ang role sa Gagambino kaya walang trabaho!
Written by Archie de Calma

Yasmien Kurdi

NANG MAKAPANAYAM NAMIN si Yasmien Kurdi sa presscon ng Loving You, napaiyak na lang siya nang wala siyang mahagilap na matinong maisasagot sa tanong ng mga reporter na nagtataka kung bakit sa gitna ng kainitan ng career niya, naisipan niyang mag-concentrate sa pag-aaral. Ang isinasagot kasi niya, napi-pressure na siya sa kagustuhan ng mga magulang na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.


Napilitang i-give up diumano ni Yasmien ang role na para raw sa kanya sa Gagambino na pagbibidahan ni Dennis Trillo. May conflict daw ito sa regular review classes niya bago siya tuluyang mag-enrol sa college sa New Era University. Lumalabas na si Katrina Halili ang pumalit sa role daw na originally, para sa kanya.


Pero, nalaman namin ang tunay na dahilan from a very reliable source. Sa nabanggit na telefantasya, si Katrina raw talaga ang original choice bilang leading lady ni Dennis, at hindi si Yasmien. Ang role na para talaga kay Yasmien, bilang bestfriend lang ni Katrina.


Ito raw ang bagay na hindi matanggap ng kampo ni Yas. Let's face it, mas senior at naunang nakalasap ng kasikatan si Yas, at kailan lang, nakapagbida ito sa dalawang teleserye ng GMA-7, ang Babangon Ako't Dudurugin Kita at Tasya Fantasya.


So, how come nga naman, suddenly, relegated na lang ito sa bestfriend roles? We have a feeling that the real reason is what Yas told us, that she's no longer being managed by GMA Artist Center at ang nag-iisang nagma-manage na lang sa kanya ay si Lolit Solis.


One more thing, nagulat kami sa reaction ni Yas nang sabihin naming nai-give up niya ang Gagambino, kaya hayan, at wala siyang trabaho, at mukhang si Katrina ang mangangarag ngayon. Ang sabi ni Yas, "Subukan kaya niyang mangarag na gaya sa pagkangarag ko nang sabay akong nagbibida sa dalawang soaps?"


May himig ng pagka-bitter?




Source: Pinoy Parazzi




JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: