Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, August 26, 2008

Walang paki sa biyenang-hilaw...RICHARD GUTIERREZ, PANAY ANG CHANCING KAY KC CONCEPCION SA HARAP NI SHARON CUNETA


Walang paki sa biyenang-hilaw...RICHARD GUTIERREZ, PANAY ANG CHANCING KAY KC CONCEPCION SA HARAP NI SHARON CUNETA


KUNG naaliw kami sa pag-uusap nina Annabelle at Sharon nang gabing 'yun, kinilig naman kami kina Richard at KC sa interview sa kanila ng Megastar at sa mga kinilos nila all throughout the program.

Katuwa 'yung portion na tinatanong silang dalawa nina Annabelle at Shawie kung sila na.

"Anak, kayo na ba ni KC?" tanong ni Annabelle kay Chard at parang walang narinig ang young actor.

Say naman ni Sharon, "Try ko. Anak (KC), boyfriend mo na ba si Richard?" at ngiti lang ang isinagot ni KC.

Laugh din kami nang laugh nang sabihin ni Annabelle kay KC na kung magpapabuntis ito ay kay Richard na lang sabay-sabi kay Shawie na ang gaganda raw siguro ng mga magiging apo nila.

Sumagot naman si Shawie na sana raw ay kambal para tig-isa sila.

Sagot naman ni Annabelle, "Kambal talaga 'yan."

At this point ay parehong tinakpan na lang nina KC at Richard ng unan ang mga mukha nila dahil marahil sa hiya na pinuna naman ni Shawie. "Oy, ano'ng ginagawa n'yo diyan, ha?" tanong niya sa dalawa.

At si Richard, mereseng nand'yan si Shawie, panay pa rin ang hawak at akbay kay KC.

Sa huli ay nagpasalamat naman si Sharon kay Chard for taking care of her daughter.

Halaw sa panulat ni Vinia Vivar sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar






JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: