Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 4, 2008

Wala nang atrasan...KE VIRGIN O HINDI, JUDAY, PAKAKASALAN NA NI RYAN AGONCILLO

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Wala nang atrasan...KE VIRGIN O HINDI, JUDAY, PAKAKASALAN NA NI RYAN AGONCILLO












SAMANTALA, ang Pinoy Fear Factor South America host na si Ryan Agoncillo ay na-roast din namin after ng Q & A portion sa preskon ng nasabing bagong show ng ABS-CBN na malapit-lapit na nating mapanood.

Mostly, ang tinanong kay Ryan ay ang tungkol sa engagement at would-be-wedding nila ni Judy Ann Santos.

Pero paano kung matukso si Ryan sa mga contestants sa Fear Factor dahil one month din sila sa South Africa at hindi niya kasama si Juday?

"Sila ang kabahan, ha..ha..ha! Hindi...okay lang 'yun. Para namang ang tanda ko na para matukso pa. Ha..ha..ha!"

E, si Juday, wala ba namang fear factor na matukso siya sa ibang babae ru'n?

"Ah, hindi...hindi siguro. Siguro, ang kakatakutan na lang niya, kung sa Argentina or South Africa ay hindi maraming maganda kundi maraming pogi, ha..ha..ha!" biro nitong sey.

In fairness, palabiro pala si Ryan, ha!

E, teka, no offense meant, Ryan. Kasi, modern na tayo ngayon, which do you prefer sa babaeng pakakasalan mo-virgin pa o hindi na?

Tumawa nang malakas si Ryan at nahulog naman sa upuan si TsongkiBenj na nasa likuran ng TV host. Pero nasagot din naman ng labs ni Juday ang tanong.

"Mas mahirap naman kung 'pag kasal na kami, saka ko malalaman na lalaki pala ang pinakasalan ko. Ha..ha..ha! Basta babae, okey na sa akin," sabi nito saka tumawa na naman.

Ganyan po ka-openminded ang aktor TV-host ng Pinoy Fear Factor: South America. Kumbaga, wala talagang fear, tsuk!

Halaw sa panulat ni Mercy Lejarde sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar

No comments: