Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, August 13, 2008

Vilma: I’m not running for Vice President

Vilma: I’m not running for Vice President

vilma santos

Sa isang pambihirang pagkakataon ay aming nakausap muli si Governor Vilma Santos-Recto, nu’ng dalawin namin siya sa Batangas City kamakailan. Dahil curious ang lahat, kung ano ang stand ng Batangas Governor tungkol sa isyung pagtakbo raw niya bilang Bise Presidente sa 2010, ito ang naging sagot ni Gov. Vi.

“Ang dami ko pang gagawin dito sa Batangas. I’m not running. I’m not even entertaining it (pagtakbo sa 2010 VP elections),” sabi pa ni Governor Vi na aminadong mas prayoridad muna ngayon ang mga tao at pagserbisyo sa lalawigan ng Batangas.

Hiningan din ng komento si Governor Vi tungkol sa naging pahayag ni Senador Bong Revilla.

Kung ating matatandaan, sinabi pa ni Sen. Bong na willing siyang mag-give way kay Ate Vi sakali mang magdesisyon itong tumakbo bilang VP sa 2010 elections.

“Sweet naman ni Bong. Thank you, thank you. Pero all I can say is that he can plan his political career if he really wants to run for Vice (president). Wala siyang dapat na i-worry sa akin,” mariing sabi pa ng butihing gobernador ng Batangas.

Contrary sa gusto ng marami na tumakbo for higher office si Gov. Vi sa 2010, ang focus daw nito sa ngayon ay ang programa at ang mga proyekto nito sa Batangas.

Aniya, marami pa raw siyang infrastructure at health projects na gustong gawin at nasimulan na nito ang iba.

Kumbaga, ayaw niyang mabitin ang mga nasimulan na.

Hindi rin ipinagkaila ni Ate Vi na sobrang miss na niya ang paggawa ng pelikula.

Sa wakas, matutuloy na rin ang pelikula ni Ate Vi kasama si John Lloyd Cruz mula sa Star Cinema. Tatlo raw ang naka-line-up na gagawin ni Ate Vi sa ilalim ng produksyong ito. Isa na rito ay kasama ang anak niyang si Luis Manzano.

CHAN-CHAN TORRES
Journal Online







JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: