Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, August 6, 2008

A Very Special Love, a big, big hit

A Very Special Love, a big, big hit



sarah geronimo
John Lloyd Cruz

Puno ang Gateway Cinema 2 nang manood kami ng A Very Special Love noong Sabado ng hapon. And now we know what’s the fuss is all about! Nakaka-touch ang pelikula at maaantig ang puso mo sa character ni John Lloyd Cruz na punumpuno ng pain ang puso (dahil anak lang siya sa labas ng ama niya) na napakahirap para sa kanya ang magmahal ng iba.

Your heart will also go for the character of Sarah Geronimo na ginawa na ang lahat para lang mapaibig ang matagal na niyang pinapangarap na boss niya para lang mapagsarhan ng pintuan sa bandang huli dahil sa nararamdamang self-pity ni Lloydi sa sarili nito.

Kung ilang beses ka-ming pinaluha ng movie ay ganoon din karaming beses kaming pinakilig ng mga cute na eksena nina John Lloyd at Sarah lalo na doon sa mga eksenang ina-lagaan ni Sarah si Lloydi habang may sakit ito at nang mag-videoke ang buong staff at panay ang tingin nang makahulugan ni JL kay Sarah habang kumakanta ng Kailan ng Smokey Mountain.

Nasopresa kami sa ga-ling ni Sarah na umarte. She is a natural at pumasa siya 101% bilang isang female lead ng isang pelikula. Same goes with John Lloyd na napatunayang kaya niyang magdala ng pelikula kahit wala ang ka-loveteam niyang si Bea Alonzo.

Sa totoo lang, A Very Special Love is a big, big hit. Apat ang sinehan na pinaglalabasan nito sa Gateway Mall, Cubao at nakipagsabayan ito nang husto sa Hollywood blocbuster na The Mummy na apat din ang sineng palabas sa Gateway.





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: