Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 18, 2008

Valerie Concepcion answers Jenny Miller's "snubbing" accusation

Valerie Concepcion answers Jenny Miller's "snubbing" accusation

Valerie Concepcion answers Jenny Miller's "snubbing" accusation
Nakaw-eksena sa nakarang party ni Dra. Vicki Belo ang Wowowee co-host na at Kapuso turned Kapamilya na si Valerie Concepcion at ang former Kapamilya turned Kapuso na si Jenny Miller.

Ayon sa mga lumabas na kuwento, nag-ugat ang problema nina Valerie si Jenny nang hindi raw paupuin ng una ang huli. Katuwiran daw kasi ni Valerie, naka-reserve na raw ang dalawang katabing upuan niya for Angel Locsin and Piolo Pascual. Dito raw nagpanting ang tenga ni Jenny kung kaya't ‘di raw nito napigilang magalit at magtaray. (Click here to read related article.)

Pero sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Valerie last kahapon, August 15, sa hallway ng studio na pinagdadausan ng Wowowee, sinabi niyang nakita na niya agad nung gabing yun na lalaki talaga ang isyu sa kanilang dalawa ni Jenny.

"Medyo alam ko nang lalaki, kasi nung gabi palang na yun, may sumalubong na agad sa aking TV crew ng Startalk paglabas ko. Tinanong ako tungkol dun, sabi ko nga, ‘Ah, mayroon [isyu] ba?' Sabi ko sa pagkakaalam ko wala akong ginawang kasalanan unless na may ginawa ako talaga, yun at kailangan kong mag-sorry sa kanya," saad ni Valerie.

Ayon kay Valerie pagpasok palang niya sa ballroom ay agad siyang lumapit kay Jenny, nakiupag-usap dito at humingi ng tawad kahit pa nga alam niya na wala naman talaga siyang ginawang kasalanan dito.

"Pumasok ako at pagpasok ko pa lang, nilapitan ko agad si Jenny, ‘tapos sabi ko, ‘May issue ka raw sa akin?' Ang lakas ng loob ko nun kasi alam ko, wala akong ginawang masama sa kanya.

"Tinanong ko siya kung bakit. Sabi niya kasi raw I said ganito, ganun. Ang reaction daw niya kay Elise [Dra. Vicki Belo's secretary], 'Elise, Angel is coming daw, kaya I can't sit there.' Sabi ko, 'What? I can't remember that I said that, na ginawa ko yun, wala talaga akong matandaan. But anyway kung na-offend ka, even if I didn't mean anything, I'm really, really sorry. Sabi niya, ‘Okay, but be careful next time.' After that, umalis na ako."

May sariling bersyon si Jenny sa nangyari, pero nang tanungin naman namin si Val sa kung ano ba talaga ang nangyari, heto ang kuwento sa amin ng aktres.

"Originaly, kasama ko talaga si Angel. Nag-text siya sa akin na padating na raw siya at kasama niya si Piolo... May tatlo pang seats na free, lumapit sila [Jenny] ni Elise sa akin, tinanong ako kung sino daw ang nakaupo dun. Sinabi ko, I'm with Angel and Piolo, pero di ko sinabing bawal umupo dun or whatever.

"Siguro nabigyan niya ng ibang meaning at malamang nga, kasi paglabas ko, nilapitan agad ako ng Startalk, in-interview agad ako na kesyo tinarayan ko raw si Jenny. Gulat na gulat talaga ako. Ah, ginawa ko ba yun? Ang sinabi ko lang, kasama ko sina Angel and Piolo but I didn't mean anything. hindi para di siya paupuin, I just said the truth," lahad ni Valerie.

May plano pa ba siyang kausapin si Jenny?

"Hindi na, wala na," sagot ni Valerie. "After nung ma-interview ako ng Startalk, nilapitan ko naman agad siya para mag-sorry. Kung may problema pa siya, at least alam ko. Unang-una, kahit alam ko na wala akong kasalanan dahil wala namang akong ginawang masama sa kanya, nag-sorry pa rin ako dahil na-offend pala siya. Sa akin tapos na yun, at least, I did my part. Alam ko malinis ang konsensiya ko. Lalabas at lalabas ang truth."










JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: