Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, August 19, 2008

Teen actor Jiro Manio denies blind item that girlfriend is pregnant

Teen actor Jiro Manio denies blind item that girlfriend is pregnant

Teen actor Jiro Manio denies blind item that girlfriend is pregnant
Anumang pilit ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na paaminin ang teen actor na si Jiro Manio tungkol sa napabalitang pagbubuntis ng girlfriend niya, na anim na taon ang tanda sa kanya, ay tinatawanan lang niya kami. Halos lahat kasi ng gossip columns sa mga tabloid ay nagtuturong si Jiro yung tinutukoy na nakabuntis ng kanyang girlfriend.

"Nakakatawa nga po, hindi ko alam kung saan nila kinuha yung balitang ganyan, e, ako mismo wala akong alam diyan," seryosong sabi ni Jiro.


"Seryoso po kami, hindi po biro-biro lang ang relasyon namin. Mabuti siyang babae at kung ako ngayon, siya na talaga yung pakakasalan ko. Pero hindi pa yun ngayon, matagal pa po yun, kaya imposible yung tsismis na buntis nga siya," nakatawa nang sabi ng 16-year-old actor.

Sa pag-aaral daw naka-focus ngayon si Jiro, pangalawa ay sa kanyang career bilang artista. Bale pinakahuli daw sa mga proyoridad niya ang kanyang girlfriend sa kasalukuyan.

"Huwag naman po isiping siya talaga ang kulelat sa mga gusto kong gawin," paglilinaw ng dating child actor. "Nag-usap naman kami at naiintindihan niya na talagang iba ang focus ko. Hindi naman po kami nagle-lay low sa aming relasyon, nagkikita pa rin kaming madalas, nagagawa pa rin namin yung mga activities namin together. Pero alam niyang sa pag-aaral ako nakasentro talaga ngayon.

"Fourth year high school na po ako at kasabay ng pag-aartista ko, medyo mahirap na po kung hindi ako magko-concentrate. Gusto ko talagang makatapos ng pag-aaral hanggang kolehiyo kaya pinagbubutihan kong talaga. Kahit mga parents ko po ay pangarap nilang makatapos ako ng pag-aaral," seryosong tinuran ni Jiro.

Sa isang taon ay nasa kolehiyo na si Jiro at gusto niyang kumuha ng kursong Hotel and Restaurant Management. Hilig daw niya ang pagluluto at naniniwala siyang balang-araw ay magiging tagumpay siya sa kursong kukunin niya sa college.

"Para sa aming dalawa rin po, para sa kinabukasan namin," sambit niya.

Hindi naman daw siya nahihirapan sa pag-aartista. Kaya lang, higit na mahirap ang academics niya kaya rito siya nagpo-focus. "Pero kapag pinagsabay ko po yun, talagang mahirap kaya sabi ko sa girlfriend ko, huli muna siya sa mga priority ko ngayon," paliwanag ni Jiro.

Maraming ginagawang indie movies ngayon si Jiro. At one point, tinawag siyang "prince of indie movies" dahil nga sa rami ng mga pelikulang ginagawa niya.

"Salamat naman po at nagtitiwala sila sa akin. Ako naman po, buhos din talaga ang concentration ko dahil sa ngayon, ito ang career ko. Nakatutulong ito ng malaki sa pangkabuhayan ko kaya ayoko rin pong magpabaya," sabi niya.

DRUG ISSUE. Ano ang totoo dun sa mga tsismis na siya ay drug addict at laging bumabarkada sa mga batang kalye sa may bandag SM Centerpoint? Nasulat kasi ng ilang beses yung tungkol dun sa nakikita raw siyang nakatambay sa malapit sa naturang mall.

"Hindi po ako tumatambay doon," tanggi ni Jiro. "Totoo po na malapit kami dun dahil taga-San Juan ako, pero saan naman kaya nila nakuha yun? ‘Pag wala po akong ginagawang project, nasa bahay lang po ako, hindi po ako tumatambay saan mang lugar.

"Hindi rin po ako drug addict. Tingnan nga ninyo ako, saka ninyo sabihing addict ako? Hindi po talaga," paniniyak ni Jiro sa seryosong tono.







JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

1 comment:

Anonymous said...

aq na hndi drug addict c jiro


nakikita q ehhhh

crush q yan c jiro manio


hi


mzta h ....