Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, August 6, 2008

Tanggapin man ni Joey de Leon o hindi...NANOOD NG EB! SHOW SA US, WALA PA SA KALAHATI!

Tanggapin man ni Joey de Leon o hindi...NANOOD NG EB! SHOW SA US, WALA PA SA KALAHATI!



SA pahayagan ding pinagsusulatan ni Dindo Balares kahapon ay inilabas ang larawan ng Los Angeles Memorial Sports Arena nu'ng mag-show du'n ang tropa ng Eat...Bulaga!.

Ayon sa nasulat, ang kapasidad ng venue ay, 16, 740, pero ang nanood lang sa Eat...Bulaga! ay 7,000. Nalantad sa larawan na walang laman ang itaas at kalagitnaang bahagi ng LA Sports Arena, ang meron lang laman ay ang ibabang bahagi na malapit sa entablado na tinutukan ng mga kamera ng programa sa ipinalabas nilang footage nu'ng nakaraang Sabado.

Hindi na natin kailangang kumuha ng calculator, marunong naman tayong kumuwenta, kung 8,000 ang nanood ay 50% ang tawag du'n. Pero kung mas mababa pa sa kalahat ang bilang ng nanood ay ano ang maitatawag natin du'n?

Hindi man masasabing ganu'n katagumpay ang Eat...Bulaga! sa Amerika ay gusto naming idiin na walang katumbas na halaga at bilang ang kaligayahang inihandog ng buong tropa sa ating mga kababayang nalulungkot sa kanilang paninirahan-pagtatrabaho sa Amerika.

Dalawang bagay lang naman ang walang presyo sa mundong ito--buhay at kaligayahan..

Halaw sa panulat ni Cristy Fermin sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar




JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: