Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, August 26, 2008

Suportado ng TV host sa kabila ng lahat...BARON GEISLER, IPINAGKAKALAT NA BINIGYAN NG DATUNG NI BOY ABUNDA

Suportado ng TV host sa kabila ng lahat...BARON GEISLER, IPINAGKAKALAT NA BINIGYAN NG DATUNG NI BOY ABUNDA











MISMONG ngayong Martes, August 26, ay Europe bound na si Baron Geisler for Venice Film Festival kung saan ka-join ang kanyang pelikulang Jay.

Nakasalubong namin si Baron sa corridor ng ABS-CBN noong Linggo after The Buzz dahil sinadya raw niya ang King of Talk na si Boy Abunda.

Nagpaalam daw siya kay Tito Boy at naglambing ng pocket money para sa kanyang pag-alis. Isa kasi si Tito Boy sa mga kaibigang naniniwala at sumusuporta sa kakayahan ni Baron bilang aktor.

Kaya, tuwang-tuwa at malaki ang pasasalamat sa magaling na TV host dahil sa magandang loob nito.

"Pakisulat n'yo naman po! Binigyan ako ni Tito Boy ng baon, para malaman ng mga tao na may tulad niyang mabait na tumulong sa akin.

"Actually, 'yung sa ticket ko going to Venice, ibinigay naman ni Mr. M (Johnny Manahan, main man ng Star Magic).

"Sabi niya sa akin, ginagawa raw niya 'yun dahil he believes in my talent. Tapos, pinapirma niya ako ng waiver ng Talent Center. Kaya sabi ko, 'E, Mr. M, you believe in my talent but you don't trust me,' biro ko sa kanya.

"Oo raw. He, he. Pero talagang nagpapasalamat ako dahil malaking tulong 'yun sa akin kasi wala pa naman akong project now sa Star Magic.

"Kaya parang advance ko na rin, 'di ba? At sumuporta at nagtiwala sa akin," kuwento pa ng award-winning actor.

Kasama ni Baron sa kanyang pag-alis ang director ng Jay na si Francis Xavier Passion at one week daw sila sa Europe.

Kitang-kita nga sa aura ni Baron ang excitement sa kanyang pag-alis dahil bukod sa kasali ang kanyang movie sa Venice Film Festival, ito raw ang unang pagkakataon niya sa bansang 'yun.

"Yes! Super excited! First time in Europe, man!" nakangiting sabi pa ng aktor.

Bon voyage and good luck, Baron!

Halaw sa panulat ni Liza Endaya sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar






JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: