Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, August 13, 2008

Sunshine Dizon, balik-trabaho matapos maospital

Sunshine Dizon, balik-trabaho matapos maospital
Written by Lolit Solis

Sunshine Dizon
BUMALIK NA SI Sunshine Dizon sa pagtatrabaho dahil magsisimula na siya sa pelikulang pagsasamahan nila ni Robin Padilla. Kahapon yata, nagsimula na silang mag-shooting para sa pelikulang Sundo ng GMA Films.


Ang laki nga raw nang ipinayat ni Sunshine pagkatapos niyang ma-ospital dahil sa migraine daw niya. Magaling na raw siya ngayon at nakakaya na raw ng gamot kapag inaatake siya ng migraine.


Ang daming naglabasang intriga nung nagtagal sa hospital si Sunshine, pero ang paliwanag nga nito, dahil lang daw talaga sa migraine. Aminado naman siyang dumaan siya sa depression pero ayaw na niya ungkatin kung ano pa iyon.


May isyu pa ngang buntis, pero hinahamon niya ang mga naglabas nun na magpakita lang ng ebidensyang buntis ito.


Iniiwasan na ni Sunshine na pag-usapan si Jojo Manlongat pero hindi naman niya itinatangging nagkaroon sila ng relasyon. Sabi niya, “I’ve been quite from the very beginning about my relationship with him (Jojo Manlongat) and I will continue on being quite about it.”
Pero abangan n’yo naman kapag si Mommy Dorothy na ang nagsalita dahil irita yata talaga iyan kay Jojo.


Ang isa pang isyung sinagot ni Sunshine ay tungkol sa napabalitang naghihirap na raw sila dahil nagbenta raw sila ng bahay. Sa totoo lang, binigyan pa nga raw siya ng Mommy niya ng pera para bumili ng bagong bahay at meron pa silang bagong property ngayon sa Antipolo na ginawa na nilang farm.


Since, binigyan na ng GMA 7 ng isa pang pagkakataon si Sunshine, siguro maayos na siya ngayon.





Source: Pinoy Parazzi




JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: