Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, August 28, 2008

STi-N SPECIAL REPORT:Richard Gutierrez, Annabelle Rama, at ABS-CBN --- Meron Sicret Agreement???

STi-N SPECIAL REPORT:Richard Gutierrez, Annabelle Rama, at ABS-CBN --- Meron Sicret Agreement???
EDDIE GUTIERREZ & ANNABELLE RAMA (photo by VER PAULINO)

Gaano katotoo ang nasagap naming balita na meron na daw sicret agreement sina Anabelle Rama, Richard Gutierrez at ang buong management nang ABS-CBN. Tutal gustong tapusin ni Richard ang kontrata niya sa GMA 7 hanggang April of next year. At ayaw din daw di umano na Annabelle Rama na mag bayad nang 14 Million, para sa pagbili nang kontrata ni Richard sa syiete. Nagkaroon na lang nang lihim na kasunduang sa pagitan nang dalawang kampo, na sa oras na matapos ang kontrata ni Richard bilang kapuso, ay agad itong mag oober di bakod sa kapamilya network.

Nang hiningan nang pahayag ang mag asawang sina Annabelle at Eddie Gutierrez noong matagumpay na primiere night nang pelikula nang anak nilang si Richard Gutierrez at KC Concepcion, under Star Cinema, last Tuesday, kaugnay sa paglipat ni Richard sa bakuran nang ABS-CBN, ay sinabi ni Eddie na "Let's cross the bridge, when we get there". Samantalang hindi naman tinanggi o inamin ni Annabelle ang naturang paglipat. Ang sinabi lang nito ay nagpapasalamat siya sa ABS-CBN, kina Gabby Lopez, Malou at Charo Santos, at sa buong kapamilya na sumuporta sa anak niya. Ayaw muna niya nang intriga ngayon. Kaya hindi muna niya ito sasagutin.

Pero ayon sa aming palagay, ay hindi ililipat ni Annabelle, ang anak niyang si Richard Gutierrez. Kilala naman natin sa Annabelle, na mabilis magbago ang isip. Mamaya galit, pero makalipas ang ilang araw, okey na ulit ito. Wich is a good thing na hindi siya marunong magtanim nang galit sa isang tao o bagay. Lalo na pag sinimulan na ulit ang pelikulang pagsasamahan ni Richard at KC under GMA Films, naman, tiyak magbabago na naman ang trato nang GMA kina Richard at Annabelle. Special treatment na naman, at tiyak magugustuhan ito ni nang magina. Dahilan para magbago ang isip nang dalawa na hindi na lumipat nang istasyon, at manatili na lamang isang kapuso.

Pero i think, magkakaroon nang growth si Richard bilang actor bilang kapamilya, gaya nang nangyari kay Angel Locsin. Gaya na lamang nang napansin namin, maging ang mga kapatid nitong sina Raymond at Ruffa Gutierrez, na ngayon lamang nakita na umarte si Richard nang ganun. Talaga namang nag improve ang kanyang acting skills. Patunay na tagumpay ang Star Cinema, at si Direk Joyce Bernal, sa pagpiga nila kay Richard pag dating sa pag-arte. Marami pa siyang makakaparehang actress aside from KC, katulad nina Bea Alonzo, Sarah Geronimo, Kristine Hermosa, Anne Curtis, Shaina Magdayao, Melissa Ricks, Roxane Guinoo, Cristine Reyes, at ang napipintong balik tambalan nila ni Angel Locsin.

Guys, kayo??

Gusto mo bang maging Kapamilya si Richard Gutierrez?

O gusto mong manatiling Kapuso ito?

bigay ang inyong kumento, hingil sa isyu na ito!





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

1 comment:

Anonymous said...

para sa akin hindi na kailangan ni chard maglipat pa. . sna mapag usapan kung ano man ang tampuhan between sa mag ina at kapuso. . im praying talaga im solid kapuso na sana stay kapuso parin si chard. . tita anabel pls stay chard sa kapuso. .