Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, August 17, 2008

Star Cinema interested in doing Richard Gomez-Sharon Cuneta movie

Star Cinema interested in doing Richard Gomez-Sharon Cuneta movie

Star Cinema interested in doing Richard Gomez-Sharon Cuneta movie
Kitang-kita ang suporta ni Richard Gomez kay Piolo Pascual bilang endorser ng Pure Passion, ang male scent na isinunod sa pangalan ng huli. Obviously, dahil produkto ito ng Bench na itinuturing ni Richard na pamilya na niya.

Sa Music Hall ng SM Mall of Asia, Manila, kagabi, August 16, hindi inaksaya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pagkakataon na lapitan si Goma para sa isang panayam.

"I consider Piolo as part of the family. Wala namang problema sa akin, kasi, Bench 'yan. We're not just working for Bench, kasama kami sa isang malaking pamilya. Kaya dapat, hindi na iniisip yung sarili lang kapakanan.

"I'm here to support all of them. Maski sina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez, kahit sino sa kanila ang mayroong ganitong event, kung welcome ang presence ko, why not? Pupunta at pupunta ako," nangingiting sabi pa ng aktor.

Lumabas ang isyung hindi na raw matutuloy ang pag-pull out ni Richard Gutierrez as a Bench endorser, bunga ng insidenteng nagmula sa Bench Blackout show sa Araneta noong nakaraang buwan.

"Ang stand ko pa rin diyan, yung pabayaan na lang natin sila ang mag-solve niyan. Let Annabelle [Rama] and Ben [Chan] settle whatever there is to settle. Yeah, it's true. I told Richard to talk to his mom regarding the issue.

"Ang concern ko kasi, yung sa Bench mismo. Wala akong intention na makialam. I know Annabelle, mabait naman 'yan, kaya lang, naging emotional. Kaya kung may lumabas mang issue that Richard is staying with Bench, hindi na ako magtataka dahil kailangan lang talaga riyan, mag-usap-usap sila at hindi dapat magpadala sa intriga," sabi pa ni Richard.

ENJOYING CHARACTER ROLES. Sa totoo lang, secure na secure ang tayo ng aktor, na wala nang dapat pang patunayan. Ni hindi nga siya bothered sa sinasabing banta ng mga kabataang artistang na nagiging kontrobersyal para maapektuhan ang posisyon niya o showbiz status.

"Wala na sa akin 'yan, kasi, ini-enjoy ko na lang yung hard work na ginugol ko all through the years. Ito na yung balik sa akin. Sila naman ang kailangang magtrabaho nang husto para tumagal din sila sa business na ito, at patuloy na mag-survive.

"Kailangan kasi ng maturity para harapin ang ganyang mga bagay. Ang sa akin lang, sa mga nagawa ko na, sa mga na-achieve ko kahit paano, I should be secure na sa ngayon, palagay ko, hindi naman ako basta maitutumba lang," pagtatapat ni Goma.

Kaya kahit nga sinasabing sumusuporta na lang siya sa mga gaya nina Dingdong at Richard, na lumalabas pa siyang ama ng mga ito sa mga teleserye, walang pag-iinarte sa sistema ni Goma.

"Kasi, trabaho 'yan. As an actor, hindi naman puwedeng palaging leading man ang roles ko. I should do character roles. Like right now, enjoy akong gawin yung role ko sa Codename: Asero, at walang masama kung mag-supporting ako roon.

"May pagkakataon na babalik uli ako sa pagbibida, depende na lang sa project. Sa rami ng papel na bidang nagawa ko na, nagugustuhan ko ring mag-tackle ng character or villain roles, na I find challenging din naman," nangingiting sabi pa ng aktor.

GOMA-SHARON MOVIE SOON? Interesado uli ang Star Cinema sa kanila ni Sharon Cuneta para pagtambalin sa isang project. Saksi ang jampacked crowds sa Araneta Coliseum noong gabi ng Megathirty concert ni Shawie sa pagkakagulo pa rin ng fans ng kanilang tambalan nang umakyat si Goma sa stage to join his former girlfriend.

"Hiyang-hiya nga ako dahil naroon pa si Kiko [Senator Francis Pangilinan]," sabi pa ni Goma. "Wala akong magawa dahil kasama ko si Lucy [Torres-Gomez, his wife], and she told me to go up the stage dahil yung ibang leading men ni Sharon, umakyat din doon.

"Wala naman sigurong masama. Pero, happy ako sa reaction ng mga tao. That only means na hanggang ngayon, marami pa rin kaming napapaligaya ni Sharon.

"Wala pang formal negotation between Star Cinema and Douglas [Quijano, his manager]. pero, most likely, kung magsasama kami ni Sharon sa pelikula, it will be with Star Cinema. Sa GMA Films kasi, hindi ko alam kung ano ang priority nila roon," sabi ni Goma.








JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So
be it!

No comments: