Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 11, 2008

Sinisimulan na ang teleseryeng pagtatambalan nina Maja at Geoff


Sinisimulan na ang teleseryeng pagtatambalan nina Maja at Geoff
Written by Chit Ramos

Maja Salvador

"ANNA LIZA IS out," definitely. It's now Moonriver at nagsisimula na ang taping sa mismong araw na ito, Lunes.


Details are still under wraps as usual, dahil katulad ng iba pang nag-umpisang project ng ABS-CBN, ayaw nilang ma-pre-empt ang ano mang bagay tungkol dito. Playing safe nga, dahil baka nga naman makopya pa ng ibang network.


Ang tanging puwedeng ihayag ay ang pagbibida ni Maja Salvador. Sa halip na ‘young Maja’ ang papel ng batang si Ella ni Becky Aguilla, kinakapatid na niya ito. Kasama rin sa cast bilang ina niya ang parokyano ng Kapamilya station na si Chin-Chin Gutierrez at bilang ama naman si Tonton Gutierrez. Mahalaga rin ang role ng nagbabalik-showbiz na si Kaye Abad, ganun din si Glenda Garcia at si Quintin na nakilala noon sa Let's Go.


Actually hindi pa kumpleto ang cast, ayaw pang i-disclose nina Direck Mae Cruz at Nuel Naval.
Malaking sorpresa sana ang pagpili sa magiging leading man ni Maja, pero in whispers ay naririnig na ang pangalan ni... dyan-dyaran... Geoff Eigenmann! I’m so happy for Gina Alajar, lalo na kay Michael de Mesa dahil matagal na niyang pangarap na maging katambal ni Maja ang kanyang anak.


It looks like magiging maganda ang teleserye, at smooth sailing ang bawat taping day dahil matagal nang close ang cast sa isa't isa, maliban kay Chin-Chin na ngayon lang makakasama ni Maja Salvador.


Sa totoo lang, na star-struck na naman si Maja nang makita si Chin-Chin. Lagi itong nakatitig sa environmentalist. Hindi siya nagpigil na makunan ito sa kanyang cellphone. May bago na namang wall paper ang pamangkin ni Philip Salvador.


It might interest people to know that Geoff has been close to Maja these past few months. Mula kay Geoff, napalapit din siya sa dalaga through their mutual friend, Bless na kung tawagin nila'y "Monsky". Ilang beses na siyang napagkamalang mommy ni Maja dahil pati sa hospital, siya ang kasama-sama ni Maja. Pareho din silang mestisa at hawig ang kanilang features.


Going back to Geoff, malaking lundag ang gagawin niya sa Moonriver mula sa Lobo. Magiging wholesome si Geoff dito kung ikukumpara sa role na ginampanan niya sa katatapos na fantaserye. Hindi kasi nagpahuli si Geoff kina Angel Locsin at Piolo Pascual. Nagpaseksi rin siya at may katawan naman siyang maipagmamalaki.


Isa pang maganda kina Maja at Geoff, ang pagiging fasionista nila. They both carry their clothes well. Tuwang tuwa kay Maja ang Folded and Hung, in the same manner na masaya rin ang sponsor ni Geoff na ewan ko kung bakit nakalimutan ko ang brand habang isinusulat ko ito.


Hindi raw dapat mag-alala ang FnH dahil, after Angel Locsin, ilalabas na ang billboards nina Maja at Claudine Baretto with Angel Locsin of course. Sila ang magbibigay-buhay sa iba't ibang products ng FnH ngayon.



Source: PEP






JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: