Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, August 19, 2008

Sinasabotahe ng GMA-7 ang pelikula nina Richard at KC!?

Sinasabotahe ng GMA-7 ang pelikula nina Richard at KC!?
Written by Ambet Nabus


Dingdong Dantes and Marian Rivera

Whether GMA 7 wants it or not, nasa kanila ang burden of proof kumbaga kung bakit sa dinami-dami ng mga petsa sa buwan ng Agosto ay itinapat o itinaon pa nilang sabayan ang showing ng pelikula nina KC Concepcion at Richard Gutierrez ng dance concert naman nina Dingdong Dantes at Marian Rivera?


Parehong August 27 ang petsa ng nasabing 'big event' na maituturing dahil ang mga nabanggit na stars nga ang itinuturing na 'mga sikat' sa kanilang henerasyon.
Joint venture ng parehong Star Cinema (sister company ng ABs-CBN) at GMA Films ang For the First Time nina Kc at Richard, habang GMA 7 naman ang nasa likod ng naturang birthday dance concert nina Marian at Dingdong.


Kahit saan tingnan, hindi naman ganun katanga o kabobo ang mga supporters ng bawat grupo na maaaring mayroong 'questionable intent' sa pangyayari. For sure, naunang inireserba ng Star Cinema at GMA Films ang nasabing petsa. And take note na ang birthdays nina Dong at Marian ay masyadong malayo ( 2 and 12 respectively) sa 27, kaya't may kailangan ipaliwanag ang sinumang kinauukulan sa usaping ito.


Mayroon nga bang isyu ng pananabotahe rito o may gustong patunayan ang GMA 7? Hindi man magsalita ang Star Cinema, pero ramdam na ramdam namin ang kakaibang tensyon sa kanila lalo pa't todo ang effort nila in promoting the said movie.







JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: