Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, August 26, 2008

Sharon Cuneta imbiyerna sa Siyete


Sharon Cuneta imbiyerna sa Siyete

SHARON CUNETA (Photo by VER PAULINO)

SA Sharon last Sunday, hindi na rin napigil ni Sharon Cuneta na sabihin ang saloobin hinggil sa magaganap na pagsasabay ng opening day ng For the First Time nina Richard Gutierrez at KC Concepcion at ang free birthday show sa Araneta Coliseum nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa August 27.Guests ni Shawie sa naturang episode ang dalawang bida ng pelikula at ang ina ni Richard na si Annabelle Rama.

Bago ito, naging vocal na rin naman si Bisaya sa kanyang sama ng loob sa magaganap na ‘tapatan.’

Last Sunday, sa discussion nila ni Annabelle over the matter, inamin ni Sharon na sumama rin ang loob niya nang una niya itong malaman.

“To be fair and honest, masama ang loob ko. Nagalit ako nun’g una kong dinig. But I always know, the truth is somewhere in the middle, eh. I learned that from Kiko (Pangilinan, her husband). So, siguro, meron talagang nag-isip na manadya, kaya ’yun ang masakit,” sabi ni Shawie.

Sinabi rin ni Shawie na gagawa rin sina Chard at KC ng movie sa GMA Films at kung maghi-hit naman ang For the First Time ay makakatulong din sa next project na ’yon.

Si Annabelle naman, muling ipinunto na maraming puwedeng dates, puwedeng Aug. 12, 13, 14, 15 and so on, pero bakit kailangang Aug. 27?

Ang ikinaaliw namin ay ang reaksyon nina Chard at KC habang nag-uusap ang kanilang magulang.

“World peace,” singit ni KC.

Si Richard naman, panay ang himas sa ina na para bang sinasabing “relax lang.”




JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: