Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 18, 2008

Say Alonzo says goodbye to Star Magic, "goes back" to being Kapuso

Say Alonzo says goodbye to Star Magic, "goes back" to being Kapuso

Say Alonzo says goodbye to Star Magic, "goes back" to being Kapuso
Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Say Alonzo a few days after her birthday (her actual birthday is August 6) sa isang cozy restaurant sa may C-5 Road. Kapansin-pansin na mas maganda ang aura ni Say ngayon at mukhang inspired. Pero siya na ang nagsabing, she's inspired with work right now and that she has a new manager.

GOODBYE TO STAR MAGIC. Nag-end na nga raw ang kontrata niya sa Star Magic, so she decided na magpa-manage naman kay Rommel Gacho. Isang bagay na pinag-isipan din daw muna nila ng kanyang mommy lalo pa nga't ever since, she's with Star Magic nga naman.

"Actually, matagal na rin kasing tapos yung contract ko sa Star Magic. Napag-isip-isip ko at ng mom ko na kailangan na rin ng change. Naisip ko na siguro, kailangan na rin ng bagong manager at si Tito Rommel, sobrang magaling mag-manage and mabait...as I've heard from our common friends and other people."

Maayos naman daw ang pagpapaalam niya sa dating management group.

"Sobrang-sobrang okey! Kasi, noong kinausap ko yung handler ko, si Ate Gidget dela Cuesta, kinausap ko siya about it at sabi naman niya, kung saan naman daw ako masaya, they will be supporting me naman daw. Kasi, I stayed with them after PBB and I also got to talk to Tita Mariole [Alberto] sa Star Magic Ball, which was the last thing I did for them. And Mr. M [Johnny Manahan] was there too. At sabi lang nila, good luck. They will always be proud of me and I will always be a part of them.

Dugtong pa niya, "We parted ways na maganda and they know me na gusto kong mag-grow at gusto kong maging successful. At alam nyo naman na masyadong maraming artist na dumarating at marami rin naman ang umaalis. Siyempre, ako na rin mismo ang kailangang gumawa ng paraan para magkaroon ako ng place rito.

"At saka, gusto ko rin i-prove sa mga tao na marami pa naman akong puwedeng ibigay. Hindi lang po talaga ako nabibigyan ng chance."

KAPUSO FROM THE START. Hindi ba naging mahirap sa kanya to change "home"? Especially for someone like her na masasabing produkto ng isang talent search ng ABS-CBN?

"Of course, it's gonna be hard but I think kaya naman and with the help of Tito Rommel and I have many friends naman in GMA. Alam ko na sa PBB talaga ‘ko nakilala. Pero actually, noong college days ko pa, pagkagaling ko sa States, I really started in GMA," sey niya.

"Nag-guest ako three episodes ng Click at bale sa Magpakailanman. But then, after that, sabi ko, parang mahirap yata, so, I finished my studies ‘tapos, yun nga, I joined PBB. So, going back to your question kung mahirap bang mag-change ng network? I'm not gonna say naman that I changed network, because I don't have naman exclusive contract in GMA as of now, so, I can guest anywhere and do anything in any network. So, okey lang naman. And it so happened that my manager lang is more identified with GMA, and I'm happy and just excited lang."

HAPPY WITH GMA-7. So far daw, wala pa rin naman siyang regular show sa Kapuso network, though, for a month ay napanood siya sa Nuts Entertainment as guest and since December, marami na rin daw siyang nagiging guesting sa GMA-7.

"Sobrang okey silang ka-work. Ang babait nila, sobra! Sobrang accommodating. Hindi mo mapi-feel na taga-kabila ka or galing ka dun. Sobrang mabait talaga sila. Hindi ko ma-feel na iba ka, kahit konti."

Marami raw plano ang bago niyang manager. And she's just crossing her fingers na mag-materialize lahat ng plano nito. PEP asked Say kung siya ang masusunod, ano talaga ang gusto niyang gawin?

"Gusto ko talaga mag-host. Yun talaga ang love kong gawin. At saka, siyempre, gusto ko pa rin mag-act pero yung very light lang like romantic comedy. I don't want naman yung heavy drama but I'm open to anything. And of course, singing...actually, kahit ano naman, but sana , huwag lang yung sobrang paseksi."

NOT "PA-CUTE" ANYMORE. Aware si Say na ang impression ng iba, tila hanggang pagpapa-cute lang daw siya, to which she totally disagrees. "Well, may mga naririnig ako na before, sinasabi nga nila na si Say, puro pa-cute lang ‘yan, kaartehan. Pero let's forget about that already. That was three years ago...

"I mean, PBB days...you know, what I can give is so much more than what you just saw in a reality show, because reality show is every day life, reality...but when you think about work like acting, singing, hosting...there's so much more that I can give. And sana , the people that watched me in PBB can really let go of that.

"That was three years ago, tapos na yun. So, yung mga taong nagsasabi na ito lang ang kaya niyang gawin, pa-cute, maarte... Dude, iwanan na natin yun. Sana lahat ng tao bigyan ng chance. Sana itong chance na ito na ibinibigay sa akin ni Tito Rommel, ito na talaga."

INSPIRED. Pagdating sa love life, kung ilang beses na rin na-link si Say sa iba't ibang personalidad pero pinabulaanan nga niya halos ang lahat ng ito. Now, she's quick to say that she's inspired, pero, hanggang doon pa lang daw.

"Well, I'm seeing someone and I'm inspired because of this person. He's not from showbiz, he's a really, really very private person. And let just see what happens. Yun lang," natatawa nga niyang sabi.







JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: