Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, August 26, 2008

Sandara Park ’di sinulot ni Kim


Sandara Park ’di sinulot ni Kim
Sandara Park recent picture

Nakaalis na raw ng bansa si Sandara Park noong August 14 para bumalik sa Korea at ipagpatuloy ang kanyang training.

Two weeks din ang inilagi ng young actress sa ’Pinas at bumisita lang siya dahil nami-miss niya ang ating bansa pati na ang mga dating kaibigan dito.

Sa inilagi sa bansa ni Sandy, nagkaroon siya ng sapat na oras to meet with old friends gaya nina Roxanne Guinoo, Joross Gamboa at Melissa Ricks. Pati nga sa ex-boyfriend niyang si Joseph Bitangcol ay nakipagkita siya for old times’ sake.

Bago umalis, nagawa pang sagutin ni Sandy ang mga intriga sa kanila ni Kim Chiu, na sinasabing pumalit sa puwestong iniwanan niya noon bilang No. 1 young star ng ABS-CBN.

Ayon kay Sandy, wala silang bad blood ni Kim at magkaiba sila in so many ways.

Itinanggi rin ng Koreanang young actress na in-offer sa kanya ang My Girl ni Kim dahil kung siya raw ang gaganap du’n, hindi pa rin ito Pinoy version na matatawag.

Besides, nakaalis na raw siya ng ’Pinas nu’ng time na ’yon.

Pinagkukumpara kasi sina Sandara at Kim dahil bukod sa magkahawig sila, sinasabing nang pumasok ang huli sa showbiz ay nagsimula nang mawalan ng ningning ang una.

Inamin din ni Sandy na sobrang nami-miss niya ang ’Pinas at lahat ng kanyang ginawa rito, kaya madalas ay pinapanood pa rin niya ang lumang shows at pelikulang ginawa rito.

Wish ng young actress na makagawa siya ng teleserye sa Korea at mabili ng ABS-CBN ang rights para naman mapanood siya ng kanyang fans dito.








JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: