Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 4, 2008

Sana’y huwag silang mag-ala Sharon-Gabby na isusumpa rin ni KC si Richard!

Sana’y huwag silang mag-ala Sharon-Gabby na isusumpa rin ni KC si Richard!
By RONALD C. CARBALLO


Nag-text sa amin ang isang sikat na aktres, “Napakamapangahas, but very honest ‘yung sinulat mo tungkol kina Sharon at Gabby. Na career move lang ang lahat ng ito for Sharon and she will never be a megastar for 30 years kung hindi niya inaaral ang bawat galaw niya.” Mismo! At gusto naming ituring na katangian ‘yun ni Sharon kaysa maging kasiraan niya.
Kumpara naman sa maraming aktres na kung tutuusin mas talented pa nga sa kanya na kapanahunan niya’t nauna pa sa kanya, pero mga walang narating. Kung may narating man, lumamlam na ang mga career o sa diretsahang salita, mga laos na dahil wala nga sila nung utak ni Sharon na alam na alam ang tunay na laro sa showbiz.


Si Sharon, kahit anong TV show ang mag-imbita, hindi mo ‘yan mapapapunta, kung wala rin siyang mahihita sa paggi-guest niya. Meaning, lumilitaw lang siya kahit sa pinakahindi nagri-rate na show, kung may ipinu-promote siyang pelikula o concert. Hindi ba’t hanggang ngayon, nagtatampo sa kanya ang tatay-tatayan niyang si German Moreno? Very vocal si Kuya Germs sa kanyang sama ng loob na nakalimot na si Sharon na malaki talaga ang naitulong niya. Pakiramdam niya’y minamaliit ng megastar ang Master Showman’s Walang Tulugan at ayaw nitong mag-guest.


Ewan lang kung mapagbigyan na ni Sharon ngayon si Kuya Germs habang nagpu-promote ng kanyang Mega 30 concert sa Araneta Coliseum on August 8, 2008, gayung nakikita sa trailer sa QTV 11 na ultimo very lousy at di nagri-rate na show ni Charlene Gonzales na Proudly Filipina ay nag-guest si Sharon na pre-taped na. Again, sinasabi ni Sharon na ayaw niyang paglaruan sila ni Gabby Concepcion ng media, pero sa trailer din ng interview sa kanya ni Charlene, ibinibenta ng show ‘yung sinasabi niya tungkol kay Gabby na, “Malaking bahagi ng 30 years ng career ko ang Sharon-Gabby loveteam.”


Totoong-totoo naman ito. Kaya nga para sa amin, walang saysay ‘yung sinasabi ni Sharon na ang Mega 30 concert ay para sa lahat ng nakatulong sa kanya at naging bahagi ng 30 years niya sa showbiz dahil ni wala ngang partisipasyon si Gabby at ang mga guest na naman niya’y wala naman talagang kinalaman sa career niya, kundi basta mga kapwa lang niya ito performer.


Naaalala nga kaya ni Sharon ang bawat isang taong nakatulong sa kanya noon or the usual na ang mga nakapalibot sa kanya ngayon na pinahahalagahan niyang parang mga linta ay ‘yung mga dumating na lang sa buhay niya nu’ng nasa tuktok na siya ng tagumpay?
In fairness kay Kuya Germs, lahat ng karapatan, nasa kanya para magtampo siya kay Sharon sa nagiging trato nito sa kanya. Habang sinasabi ni Kuya Germs na, “Ni hindi ko alam ang cell number ni Sharon. Ang dami-daming kurdon para makontak siya, na nu’ng araw naman nakakadiretso ako sa kanya. At ‘yung mga kinukontak ko para sa kanya, ni ha-ni ho walang sagot.” Heto naman si Sharon sa TV na paulit-ulit na nag-a-I love you sa mga sikat na talkshow hosts na ngayon lang din naman niya talaga nakilala at nagsasabi siyang, “I’m just a text away if you need me. I love you!” Na siyempre, lalong nagdurugo ang puso ni Kuya Germs tuwing napapanood niya.


Ngayon lang din naging very vocal si Sharon sa love affair ng anak niyang si KC Concepcion with Richard Gutierrez na kulang na lang ipagsigawan niya nang paulit-ulit na botong-botong siya sa guwapong aktor. Nagka-boyfriend na rin naman noon si KC ng isang foreigner nu’ng nag-aaral pa siya sa Paris na inuwi pa nga niya rito sa ‘Pinas at tutol pa nga si Sharon. Later, naisapubliko rin ang relasyon nina KC at Lino Cayetano ngunit wala ring positibong sinabi si Mega.


Siyempre, ipinu-promote ngayon ni KC ang kauna-unahan niyang pelikula with Richard Gutierrez sa Star Cinema at masusundan pa ito ng pam-Valentine 2009 sa GMA Films. Kailangang i-endorse ni Sharon ang pagliligawan ng dalawa. Baka kung magpapakita siyang hindi siya boto kay Richard, baka maging nega sa movie at hindi magtagumpay ang loveteam ng anak sa sikat na aktor.


Samantala, tama rin naman ‘yung sinasabi ni Sharon na 23 na si KC. Mabait at matalinong bata na alam na ang kanyang ginagawa, kaya kung sino ang mahal niya’t maligaya siya, wala talagang problema kay Mega. Sana nga’y hindi sapitin ni KC kay Richard ang sinapit ng kanyang ina na matapos mahalin ang ka-loveteam na si Gabby na si KC pa nga ang naging bunga, ngayo’y abot- langit kung isumpa ni Sharon ang kanyang ama.






Source: Pinoy Parazzi



JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: