Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, August 19, 2008

Sam Milby fought for his first indie movie "Cul-de-sac"

Sam Milby fought for his first indie movie "Cul-de-sac"
Sam Milby fought for his first indie movie "Cul-de-sac"
Halatang pagod pa si Sam Milby nang pinapasok sa standby area ng mga press for the set visit of the new Cinemabuhay grant movie of new and young filmmaker Juan Miguel Sevilla, ang Cul-de-sac. Katatapos niya pa lang mag-location taping for his ABS-CBN primetime series Dyosa at dumiretso agad siya sa shoot ng nasabing suspense movie co-starring Jodi Sta. Maria and Chin-Chin Gutierrez.

Kapansin-pansin din ang "sugat" niya sa labi at sa pisngi, so PEP (Philippine Entertainment Portal) asked him kung totoo ito o kung prosthetics niya ito from Dyosa.

"He did this to me!" joke muna ni Sam habang itinuturo ang napakabatang direktor nilang si Juan Miguel bago niya sabihing prosthetics pala ito sa movie.

Nabanggit namin kay Sam na nasisira na ang mukha niya sa prosthetics niya sa Dyosa. Last time kasi namin siyang nakita sa birthday party ni Cristy Fermin noong end of July, marami siyang pimples na abot hanggang leeg na niya at na-explain niya na dahil nga ito sa prosthetics.

"I know, but how can I complain, it's a job?" sabi niya na lang.

Cul-de-sac is Sam's first independent movie, his first suspense movie, and his first movie outside Star Cinema. An exclusive star of the film arm of his Kapamilya station, mildly surprised kami na napayagan siyang tanggapin ang pelikula lalo na't wala palang clause ang kanyang Star Cinema contract for any outside movie.

"Gusto ko talagang gawin ang movie," sabi ni Sam. "When I first read the script, I was at the edge of my seat while reading it and I finished it in one seating. I love my character here so I asked my bosses if I can do this one."

Mahigit isang buwan daw silang naghintay ng kanyang manager na si Erik Raymundo bago siya napayagang tanggapin ang pelikula. For Cul-de-sac, kahit hindi niya pa nakatrabaho ang director na inilagay ang pangalan niya as part of the director's wish list of actors, tinanggap pa rin ni Sam ang pelikula and even in his below the usual talent fee.

"The script is that good, I want to do this talaga," sambit ni Sam.

Hindi na rin nagreklamo si Sam na kahit kaaalis pa lang ng kanyang prosthetics sa Dyosa ay lalagyan na naman siya for Cul-de-sac.

Nakiisa rin si Sam sa mga producers of the movie headed by Albert Martinez not to divulge his character for Cul-de-sac.

"I'm a mysterious guy here," ang sabi niya.

Basta hindi raw siya bida, hindi siya kontrabida. Top billing siya over Jodi and Chin-Chin at wala silang love interest ni Jodi, and that his character's job is a call center agent.





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: