Ano ang mas pinapanood ninyo?

Friday, August 8, 2008

Sam Concepcion is proud of "Little Big Star" batchmate Charice

Sam Concepcion is proud of "Little Big Star" batchmate Charice


Young singer-actor Sam Concepcion leads the cast of the youth-oriented show Lipgloss, one of the new shows of TV5 (formerly ABC-5), which had its grand launch last Thursday night, August 7, at C3 Events Place in Greenhills, San Juan.

Naintriga ang ilang entertainment press sa title na Lipgloss kaya tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Sam kung bakit ganun ang title ng kanilang show.

Ayon kay Sam, "Lahat po kami, we study in one high school. Kasama ko po sina Mikee Lee, Maxene Eigenmann, Sab Magalona, Cheska Ortega... Lahat kami, dini-discuss doon ang mga conflict sa mga high school. Actually, lahat po kami, we play an important role sa story."

Sa Lipgloss ay sila pa rin ni Cheska Ortega ang magkapareha. Kung matatandaan, silang dalawa rin ang magka-partner sa High School Musical ng STAGES noong 2007; Sam as Troy and Cheska as Gabrielle.

Silang dalawa ba ni Cheska ang ginu-groom as love team?

"Hindi ko po alam," sagot ni Sam. "Pero right now, kami po ang magka-partner sa Lipgloss. Siguro nga po... Matagal naman na po kaming magkakilala, mga bata pa po kami. We were eight years old at sa theater po kami nagkakilala."

Bukod sa TV5, meron din siyang bagong series sa ABS-CBN, ang network na naka-discover sa kanya through Little Big Star wherein Sam emerged as the big winner. Kasama si Sam sa I Love Betty La Fea.

"Isa rin po yun sa ginagawa ko ngayon at excited na po ako. Bale po kapatid ko po sa show si Betty po. Ate ko po si Ate Bea [Alonzo]. Mommy ko po si Ms. Ai-Ai [delas Alas] at daddy po namin si Mr. Ronaldo Valdez," kuwento ni Sam.

SLOWLY BUT SURELY. Sixteen years old na si Sam ngayon at okay lang daw sa kanya ang takbo ng kanyang career.

"I think, ganoon din naman po. As in, every day rin naman po na ginagawa ko, we don't pray for the right project. Kung ano lang din po ang ibigay ni Lord, doon lang po kami."

Nagiging hadlang kaya yung impression ng iba na ang packaging niya ay hindi masyadong pang-masa?

"Hindi naman po, not at all," tanggi niya. "Siyempre po, I also like to reach everyone and share what the Lord has given me. I think God will put it at the right time rin naman po. Like here at Lipgloss, sigurado po ako na makaka-relate din sila dahil pareho lang naman po ang problema ng mga kabataan sa high school."

SAM ON CHARICE. Ano naman ang masasabi niya na ang dati niyang ka-batch at runner-up niya sa Little Big Star na si Charice Pempengco ay nakikilala na internationally?

"For me, I think lahat tayo, we are all proud of her. Grabe nga po, with respect po talaga ako sa kanya. She made it and she's been very, very blessed. We are really happy. We're proud of her. And I heard, kakanta po siya sa World Cup, I saw it at TV Patrol," saad ni Sam.

Wala raw kay Sam kung sabihing kahit siya ang nanalo sa Little Big Star, mas nakikilala na ngayon sa kanya si Charice pagdating sa singing.
"Oo naman po, wala po yun. I think yun po ang ibinigay sa kanya ni Lord. That's her calling at yun po ang path na ibinigay sa kanya," pagtatapos ni Sam.




Source: PEP




JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: