Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, August 26, 2008

Sa loob lang ng 2 buwan...NABULGAR: KAYA BIGLANG BAGSAK ANG KATAWAN NI AIKO MELENDEZ

Sa loob lang ng 2 buwan...NABULGAR: KAYA BIGLANG BAGSAK ANG KATAWAN NI AIKO MELENDEZ


HINDI na itinatago nina Konsehal Aiko Melendez at Vice-Mayor Patrick Meneses ang kanilang relasyon. Nu'ng Linggo nang hapon nang mag-guest si Aiko sa The Buzz ay nandu'n lang sa isang tabi ang batambata pa at guwapong vice-mayor ng Bulacan, Bulacan.

May basbas ni Patrick ang pagiging aktibo uli ngayon ni Aiko sa pag-aartista, si Boy Abunda na ang manager ngayon ng aktres-pulitiko, sa mga susunod na panahon ay madalas nang mapapanood si Aiko sa mga programa ng ABS-CBN.

Napakalaki ng ibinagsak ng kanyang katawan, ayon kay Aiko ay dalawang buwan siyang sumailalim sa water therapy, wala siyang kinaing kahit ano at tubig lang ang kanyang ikinabuhay sa loob ng dalawang buwang 'yun.

"Nakakainit ng ulo sa una, nakakainggit din kapag nakikita mo ang mga kasama mong sarap na sarap sa kakainin, pero parang nakikilunok ka lang sa kanila. But if you really want to accomplish something, sacrifice is the word.

"Talagang kailangan mong magtiis, wala kang ibang choice kundi ang magsakripisyo. Pero kapag nakikita mo namang may magandang nagiging resulta ang pagtitiis mo, mawawala na ang init ng ulo mo, matatanggap mo na ang sitwasyon," kuwento ng magandang aktres-pulitiko.

Regular na nahihiram ni Martin Jickain ang kanilang anak na si Marthena, wala namang problema 'yun kay Aiko, nu'ng magsabog ang langit ng pang-unawa at kabutihan ng puso ay marami siyang nasalo.

"Wala kaming communication na personal, puro text lang kami, mas maganda na ang ganu'n, anyway, pareho naman kaming tumutupad ng obligasyon namin para kay Marthena," sabi pa ni Konsehal Aiko.

Kopyang-kopya.

Halaw sa panulat ni Cristy Fermin sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: