Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 18, 2008

Roxanne Guinoo, still with Star Magic

Roxanne Guinoo, still with Star Magic
Roxanne Guinoo

NATAWA ang kaibigan namin sa Star Magic sa isyung nasa pangangalaga na ni Becky Aguila si Roxanne Guinoo.

Inaalam ngayon ng Star Magic kung saan nagsimula at sino ang nagpapakalat ng balitang ito.

Para sa kaalaman ng marami, Roxanne is very much with Star Magic. She doesn’t have any other manager na puwedeng mag-represent sa kanya sa mga negotiation.

Kahit may ilang umaalis, marami ring bumabalik para magpaalaga sa Star Magic headed by Johnny Manahan.

Tulad ni Desiree del Valle, na matapos mag-expire ang contract sa Viva Entertainment, nasa pangangalaga ulit ng Star Magic.

Si Vina Morales is now a Star Magic artist. Wala na siya sa poder ni Joji Dingcong. Si Charlie Green, part-Star Magic artist din.

Kahit nga si Patrick Garcia, bago umalis ng Pilipinas (papuntang States), nagpahayag na gustong bumalik sa ama-amahang si Mr. M.

Posibleng pagbalik ni Patrick mula sa America, sa Star Magic siya muling pipirma.

Ngayong September, ilalabas na ang bagong Star Magic catalog (published by ABS-CBN Publishing) na naglalaman ng lahat ng artists nila. Doon ay makikita ang mga bagong pictorial ng lahat ng artista nila, pati na ang official handlers ng bawat artist.








JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: