Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 18, 2008

Richard Gutierrez reveals his "firsts" and a lot more in "The Buzz"

Richard Gutierrez reveals his "firsts" and a lot more in "The Buzz"

Richard Gutierrez reveals his "firsts" and a lot more in "The Buzz"
Sa unang pagkakataon ay nainterbyu ni Boy Abunda ang aktor na si Richard Gutierrez, ekslusibo para sa The Buzz last Sunday. Suot-suot ni Richard ang lava necklace na gift ni KC Concepcion sa kanya mula sa Greece.

MEETING KC FOR THE FIRST TIME. Personal na sinadya ni Boy si Richard sa set ng movie nila ni KC mula sa Star Cinema, ang For The First Time. Unang tanong ni Boy kay Richard ay kung ano ang naging reaksyon niya nung una silang magkita ni KC.

"I saw her in person for the first time and it was amazing kasi I didn't know her. Nabanggit lang sa akin ng isang kaibigan na pupunta kami sa isang party na, 'Pare, ‘andun si KC Concepcion. Kilala mo ba 'yon?'

"Sabi ko, ‘Hindi. Yung anak ni Sharon?' A, talaga? Hindi ko pa siya nakikita.' And then, eventually, nung nakita ko si KC, tinuro sa akin ng kaibigan ko. Pagtingin ko, talagang namangha ako sa kanya. Yung reaction ko talaga parang... ‘Wow! Is that her?'

"Parang may kakaiba siyang aura talaga na parang siya lang yung naggu-glow dun sa room para sa akin. Nung lumapit siya nung ipakilala ako sa kanya, talagang stunned ako. Wala akong masabi. I just shook her hand and said ‘hi.' And then...hindi ko makakalimutan yung moment na 'yon. Since then in-admire ko na siya."

Naaalala pa ni Richard kung ano ang sinabi sa kanya ni KC.

"Simple lang, e. She said, 'Hi.' Ha-ha-ha! Pero nag-mark sa akin yung ‘hi' na 'yon, di ba?"

Inalam din ni Boy kung kelan nalaman ni Richard na guwapo siya.

"Nung may mga nagsabi na sa akin na mana ka sa tatay mo," sabay tawa ni Richard. "Sabi ng nanay ko, mas guwapo raw ang tatay ko."

MORE ABOUT ‘CHARD'S FIRSTS. Ibinahagi rin ni Richard ang maraming "first" sa buhay niya. Gaya ng una siyang nakaramdam ng pag-ibig at kung ano ang naging pakiramdam niya.

"Exciting, hindi ka mapakali. Hindi ka makatulog. Paggising mo sa umaga yun kagaad ang naiisip mo, yung taong 'yon. Iba, ang sarap ng feeling ng magmahal. E, especially for the first time."

Isiniwalat din niya kung paano manligaw ang isang Richard Gutierrez.

"'Pag nanligaw ako talagang binibigay ko lahat-lahat-lahat. Hindi ako nag-iiwan, kaya nga medyo nakakatakot. E, kasi 'pag ako yung nanligaw, nagmahal, wala talaga akong iniiwan.

"Mabilis, medyo mabilis ako ma-in love, e."

Inamin din ni Richard na umiyak na siya dahil sa pag-ibig.

"Yeah, there were instances na naiyak na rin ako dahil sa pag-ibig," lahad niya.

"Hindi ako magpapakaipokrito, totoo."

Pero kapag umiiyak daw si Richard hindi niya pinapakita sa pamilya niya. Nag-i-stay lang daw siya sa kanyang kuwarto at umiiyak.

Tinanong din ni Boy ang naging experience niya sa kanyang unang halik.

"Sarap! Ha-ha-ha!

"Bata pa ako nun. Nagsimula siya truth or dare lang, ganun. Game lang siya, pero yung girl na kalaro ko, crush ko na talaga siya. Suwerte ko talaga. So, yung unang kiss ko, sa taong crush ko talaga. Pero kinabahan din ako."

GENEROUS RICHARD. Bilang anak, balitang-balita rin ang pagiging generous ni Richard.

"Yes, ngayong nagtatrabaho ako, ngayong blessed ako, ngayong kumikita ako, nagiging generous ako sa pamilya ko, siyempre. Isini-share ko sa pamilya ko, sa mga magulang ko. Pero dumaan din ako sa point na hindi rin ako masyadong naging mabuting anak.

"Siyempre may mga instances din na nagrebelde ako ganun. Pero part naman ng ano 'yon, e, ng growing up. Na-realize ko yun nung binigay sa akin lahat ni Lord ng blessing at na-share ko naman sa pamilya ko and I'm trying to do my best. To be the best son, to be the best brother.

"Bilang kapatid, I'm always there for my brothers lagi akong nandyan para sa kanila at alam nila 'yon."

PROTECTIVE ATE RUFFA. What about your sister?

"Of course, for my sister also. If I'm protective of my sister? Siya yung protective sa akin. Si Ate [Ruffa Gutierrez] talaga sobrang protective, e, and I love her for that. And talagang napaka-caring niya sa aming magkakapatid. Ever since, before naramdaman ko talaga yung pagmamahal niya sa amin."

Nandun din daw si Richard nung panahon na may napakahirap na pinagdadaanan si Ruffa.

"Maraming tao ang nagbibigay sa kanya ng advice, mga kaibigan niya, mas nakakatanada sa akin. Sinabi ko lang talaga sa kanya, 'Ate, from the bottom of my heart I love you so much. And kahit ano'ng mangyari, andito kami para sa 'yo. Kahit ano'ng mangyari.'

"Yun lang ang sinabi ko sa kanya but I meant it with all my heart."

RICH RICHARD. Napag-usapan din nina Richard at Boy kung gaano na kayaman ang aktor ngayon.

"Ah, Tito Boy, ngayon talaga nag-iipon ako for my future. Pangarap ko lang naman masayang pamilya, mabuting pamilya. Makakatulong ako sa kapwa ko, sa pamilya ko kaya nagtitipid ako ngayon.

"Nagkaroon ng time na magastos ako and siyempre dumadaan tayo doon pero ngayon nag-iingat na ako sa pera."

Sinabi rin ba niya na nagsisimula na siyang mag-isip about marriage.

"Well, I can't deny the fact na sumasagi na 'yan sa isip ko, settling down, di ba? Having a peace of mind, having a family. But right now I'm not focused on that. I'm looking at that in a serious way. Sumasagi lang sa utak ko. Pinaghahandaan ko lang."

MANAGER-MOMMY ANNABELLE. Napag-usapan din ang tungkol sa kanyang ina na si Annabelle Rama sa The Buzz.

"Tito Boy, sobrang loving ng mommy ko at ibinibigay niya sa amin lahat. At nararamdaman namin yun ever since before talagang mahal na mahal niya kami. And she always cares talaga."

Bilang talent ni Annabelle, tinanong ni Boy kung paano nila hina-handle ang disagreement sa kanila ng Mommy Annabelle niya at kung sino ang nasusunod.

"Ayokong sabihing ako, kasi nanonood yun, e. Ha-ha-ha! Pero balanced naman yun, e."

May mga arguments din daw sila ng mommy niya.

"Nagkakaroon kami ng arguments. Masaya yun, parang growth yun para sa aming dalawa, e. Sa working relationship namin, may mga disagreements kami. Pero at the end of the day, uupo kaming dalawa at magkakaroon kami ng desisyon na mabuti."

Very vocal daw ang mommy niya sa pagsasabi kung sino ang mga girls na gusto niya at hindi, para kay Richard.

"Natatawa lang ako kasi may tendency ang nanay ko minsan na, 'pag may girlfriend ako na hindi niya gusto, di ba? Pero 'pag naghiwalay na kami, gusto niya 'yon. So, minsan ako ang naguguluhan, pero ganun talaga si Mom, e. Pero sinabi niya rin sa akin na kung sinuman yung babaeng mamahalin ko, mamahalin din niya."

GOING BACK TO KC. Sa huli, pinag-usapan ulit nina Richard at Boy si KC.

"Naramdaman ko yung pagiging maasikaso niya sa lahat ng tao, sa lahat ng bagay. At yung pagiging independent niya talaga, nakita ko na kaya niyang i-handle yung sarili niya kahit na ano'ng sitwasyon. Not only that, she's very sweet. She's very sweet to all of us."

After nung unang pagkikita nila ni KC kung saan namangha si Richard, hanggang ngayon daw ay dala-dala pa rin niya ang pagkamangha sa dalaga ni Megastar Sharon Cuneta.

"Oo, yung mangha ko sa kanya ngayon nasa ibang level na. Yung mangha ko sa kanya, Tito Boy, ang hirap niya abutin. Suntok sa buwan na babae, di ba?

"Ngayon...pero nung nakilala ko siya, nalaman ko na she's an ordinary girl, na normal siyang tao at madali siyang pakisamahan at nakikisama siya sa lahat ng tao."

Ni-reveal din ni Richard sa The Buzz ang best thing about KC.

"'Ayun, kaya niyang makisama sa lahat ng tao kahit saan mo siya dalhin. Kaya niya na hindi mo ine-expect, yun ang ina-admire ko sa kanya.

"Ngayon, she's one of my inspiration talaga sa buhay ko ngayon and I'm very thankful also for her na she trusted me with everything and she's very important right now."

One word to descibre KC para kay Richard?

"Extraordinary... that's true."

Nagbigay din ng mensahe si Richard para kay KC.

"Thank you. Thank you for everything and I enjoyed her company. I enjoyed experiencing new things with her and I admire her for who she is."

Huling tanong ni Boy kay Richard ay kung sa anong bulaklak niya ihahalintulad si KC?

"Lotus, it's rare. She is," tapos ni Richard.



Source: PEP










JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: