Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 25, 2008

Rhian Ramos, GF ng anak ng may-ari ng GMA-7!

Rhian Ramos, GF ng anak ng may-ari ng GMA-7!
Written by Tita Swarding

Rhian Ramos

OLA CHIKA! Nakakaloka naman talaga ang natanggap kong email mula sa diumano’y kapatid daw ng GMA talent na si Rhian Ramos. Mabaliw-baliw talaga ako sa email nitong nagngangalang “Nadine Howell” at may email address na nadinehowell@rocketmail.com. Na kesyo bakit ko raw tinitira si Rhian sa kolum ko rito sa Pinoy Parazzi, at kung kilala ko raw ba ang ‘tinitira’kong si Rhian.


May pananakot pa sa tono ng email, na talaga namang nakakaloka, huh! Susulatan daw ang editor ng Pinoy Parazzi at ipatatanggal ako. Hmm… ganun siya kalakas sa editor ng Pinoy Parazzi, huh?! Ang pinakanakakaloka sa lahat, idedemanda raw ako kapag hindi ko tinigilan ang kanyang kapatid. Yes, ang kanyang kapatid, na ang tinutukoy nga ay itong si Rhian.
‘Eto pa ang nakakabaliw. Ni hindi nga inaamin ng kampo ni Rhian na may relasyon sila ng isang Phillip Gozon, pero sa email nitong si “Nadine Howell,” sinabi niya na boyfriend ni Rhian si Phillip Gozon na isang abogado, at nakababatang kapatid umano ni Annette Gozon na anak ng may-ari ng GMA-7. Narito ang kabuuan ng email na ipinadala sa akin, walang labis, walang kulang:

Napapansin ko na palagi mo na lang tinitira si rhian. Kilala mo ba ang tinitira mo sa mga column mo? Susulatan ko ang editor niyo at ipatatanggal kita. Boyfriend ng kapatid ko si phillip gozon, ang nakababatang kapatid ni ms.annette na anak ng may ari ng gma. At abogado siya at sasampahan ka namin ng kaso kapag hindi mo tinigilan ang kapatid ko sa mga banat mo sa column mo. Pagbalik nina phillip at annette mula sa boston, ipapaasikaso kita kaagad. At sabi mo sa artikulo mo hindi mo kilala si rhian at laos na siya, ano ang tawag mo sa mga shows niya: Pinoy Idol Extra, Asero at La Lola. Mga movie na The Promise, Ouija, My Monster Mom, ITALY at Sundo. Baka ikaw ang pinaglumaan na ng panahon dahil wala kang ginawa kundi manira ng kapwa mo. God Bless you.

Basta ako, inilabas ko lang din ang mga isyu at intrigang ipinararating lang din sa akin na diumano’y kinasasangkutan nga nitong si Rhian. Kahit naman sa internet, kalat na kalat na ang mga isyu ng ‘tikiman.’ E, di idemanda rin nila ang internet. Nakakaloka talaga! Tsaka ayaw pa nilang maintriga at ‘matira’ itong si Rhian, sana hindi na lang nila pinag-artista. Ang tanong ko lang, alam ba ng Rhian na ‘yan ang mundong pinasok niya? ‘Yun na!





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

2 comments:

Anonymous said...

sorry.. nadine doesn't talk to people like that..

Lhay said...

stupid article, nadine doesn't even that good in speaking tagalog, common sense lang! NAMAN!