Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 25, 2008

Rhian Ramos: "Ayoko pong maging kontrabida sa love team nina Yasmien at JC."

Rhian Ramos: "Ayoko pong maging kontrabida sa love team nina Yasmien at JC."

Rhian Ramos: "Ayoko pong maging kontrabida sa love team nina Yasmien at JC."
Hindi nag-aalala si Rhian Ramos na baka magalit ang mga solid fans nina JC de Vera at Yasmien Kurdi dahil sa pagsasama nila ni JC sa upcoming GMA-7 teleserye na La Lola.

"I don't think naman magagalit ang mga fans nila sa akin. Hindi ko naman po inaagaw si JC. Temporary break lang naman yung tambalan namin ni JC. Trabaho lang po talaga ang lahat. Ayoko pong maging kontrabida sa love team nina Yasmien at JC," pahayag ni Rhian sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Hindi rin ba siya nagwo-worry na posibleng siya naman ang bagong pagselosan ni Yasmien, na nauugnay nga kay JC? Naintriga kasing nagselos diumano si Yasmien kay Michelle Madrigal nang magtambal sila ni JC sa movie na My Monster Mom.

"Hindi naman po siguro," sagot ni Rhian. "Walang reason para magselos. At saka yung mga fans nila, ayoko ring mag-worry sila kasi itong La Lola, isang show lang naman siya. Nakita naman natin na malakas talaga ang tambalan nila, ilang shows din ang pinagsamahan nila. Sa tingin ko kapag ganun kalakas ang isang tambalan, hindi ito basta mase-separate."

Okay ba na si JC ang makakasama niya sa bago niyang teleserye?

"Oo naman po, hinahangaan ko po yung acting skills ni JC at saka para makasama ang isang mahusay na artista katulad niya, siyempre nae-excite ako lalo na mahaba ang magiging pagsasama namin and hopefully may matutunan din ako sa kanya."

Nagkatrabaho na sina Rhian at JC sa movie na Ouija. Pero ayon kay Rhian sandali lang naman silang nagsama rito, two days lang daw.

Between JC and Mark Herras na pareho na niyang nakatrabaho, sino ang mas kumportable siyang katrabaho?

"Actually, pareho naman po. Kasi pareho naman silang professional. Si Mark kasi mas matagal ko na siyang nakasama, nagka-soap kami, yung My Only Love; ‘tapos may movie kami, yung I.T.A.L.Y. Si JC naman, kahit sandali pa lang kaming nagkakasama, we make the most out of it. Si JC kasi napakabait na tao, very friendly, kapag magkasama kami talagang nag-uusap kami. Kina-career niya yun. At saka funny si JC, ang ganda ng sense of humor niya. Ang witty niya, matalino siya. Kaya tuwing magkasama kami, kahit mabilis lang, marami na kaming nalalaman about each other."

Sa kabila ng pagsulpot ng mga intriga hindi pa man niya nasisimulan ang La Lola, excited naman si Rhian lalo na ngayong bidang-bida na siya sa naturang upcoming teleserye ng GMA-7.

"Excited na excited na talaga ako and I can't wait na mag-start na kami ng taping. Sana lang din suportahan ng mga fans at lahat ng mga Kapuso ang bagong project ko na ito kasi ibang klase talaga ito."



Source: PEP







JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: