Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, August 19, 2008

Resbak sa panlalait kay Pokwang...SIGAW NI WILLIE REVILLAME: JOEY DE LEON, MAGBAYAD NG TAMANG TAX!

Resbak sa panlalait kay Pokwang...SIGAW NI WILLIE REVILLAME: JOEY DE LEON, MAGBAYAD NG TAMANG TAX!


Wowowee_072208_063.jpg

HINDI na napigilan pa ni Papi Willie Revillame ang magbulalas ng kanyang emosyon para kampihan at ipagtanggol si Pokwang.

Yes, nagbigay na nga ng kanyang pahayag si Papi tungkol sa kumakalat na You Tube, item ang Eat...Bulaga! show nina Joey de Leon sa USA, na tumitira kay Pokwang at tinawag pang mukhang aswang ang komedyana.

Kahapon sa Wowowee, ipinagtanggol ni Papi ang kasamahang host at kahit hindi banggitin ang pangalan ni Joey de Leon, alam naming ito ang kanyang pinatutungkulan dahil dito naman talaga nanggaling ang isyu.

Personal naming napanood ang 3.22 minuto kahabang portion ng nasabing show sa Amerika na naisulat na nga rin namin dito at nabigyan ng reaksiyon. Sinabi pa nga naming kahit kami ay namamalasaduhan sa inasal ni Joey sa nasabing portion. At kahit ayaw sana naming pansinin dahil sanay naman na kami sa kabaliwan niya, dapat sigurong mabasa niya ang matatapang at direktang pagpuna ng mga nakapanood sa pangit niyang asal.

Sa pakiusap ni Willie noong Lunes, lumabas ang pagkainis nito kay Joey at nakuha pa nitong sabihin dito na, "Magpasaya ka nang walang sinasaktang tao lalo na at babae, at sana naman magbayad ka ng tamang tax. Hindi ko aalintanain ang magbayad kahit ng sampung milyong tax sa BIR, basta magbayad ka lang ng tama," susog pa nito.

Halaw sa panulat ni Ambet Nabus sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar






JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: