Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, August 21, 2008

Rachelle Ann Go -- Soon To Be Kapuso??!

Rachelle Ann Go -- Soon To Be Kapuso??!
Rachelle Ann Go - Celebrity Singer


Sa madalas na pagtatapat o pagkukumpara nang mga press people at mga tao kay Rachelle Ann Go at Sarah Geronimo, ay never naging issue ito kay Rachelle Ann. Minsan nga lang ay nanliliit siya, dahil alam niyang big star talaga si Sarah. Nagkaroon na kasi si Sarah nang tatlong top rater na teleserye sa ABS-CBN, at apat na pelikula. Tatlo dito ay originaly produced nang Viva films, kung saan ay isa din siyang talents nito. Ang isa naman ay joint venture nang Viva at Star Cinema, na talaga naman certified box office hit, na kasalukuyan pa din pinapalabas.

Ngayon nga, ay may offer sa kanya ang GMA Network, na gumawa nang teleserye at mapa sama sa SOP at isa pang show. Alam ni Rachelle na magiging big break para sa kanya kung tatanggapin niya ang offer. Lalo pa, at alam niyang kung mapapasali siya sa SOP ay walang Sarah Geronimo, na mas sikat sa kanya. Kung magkakataon ay pangungunahan niya ang mga batang singers na babae nang GMA Network. Pede siyang maging younger version ni Regine Velasquez sa SOP. Dahil mas sikat, at mas naging platinum albums ang mga kanta nya, kay sa, sa mga ibang singers na kasama sa programa.

Mejo nag dadalawang isip nga lamang ang singer/host na ito, dahil lahat nang kaibigan niya sa showbiz ay nasa ASAP at ABS-CBN. Andun ang mga co-champions nya na sina Eric Santos, Christian Bautista, Jed Madela, Yeng Constantino, Sheryn Regis at Sarah Geronimo na tinuturing niyang malalapit niyang kaibigan.

Kaso nabalitaan namin na hindi pumayag ang talents scout niyang Viva Artist na lumipat siya nang network. Una dahil, sa mga shows abroad, na prinoproduce nang TFC at mga nakakapanood dito. Kaya kung mapapansin ay halos lahat nang nasa ASAP ay laging may shows abroad. Padalawa, ay umaasa ang Viva na mabibigyan din si Rachelle nang sapat na expousure aside from ASAP nang ABS-CBN.

Naniniwala naman si Rachelle, na kailan nya nang growth bilang performer o artist. Kaya umaasa siya na sana ay maging tama ang desisyon niya, lalong lalo na ang Viva Artist, na namamahala sa career niya.

Ano kaya ang mangyayari?

Lilipat kaya siya nang network?

O mananatiling kapamilya, kasama nang mga kaibigan niya??

Abangan!








JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

4 comments:

Anonymous said...

i love rachelle kung sa belting lang ang pag uusapan magaling si rachelle kesa kay Sarah panood ko na sila 2 si sarah napiyok pa nung nanood ako pero in fairness magaling si sarah sa rnb

Anonymous said...

sana po may chat box

Anonymous said...

to the writer..pansin q lng ha..prang bias kayo s pg.bbalita...ewan q lng kng pansin ng ibng readers nyo...!

Anonymous said...

LOVE KO TALAGA!! Showbiz Top I news!! grabeh!! totoo talaga mga sinasabi niyo!! THANK YOU!!! YOU have gained my trust!! huwag kayo magsawa sa amin na mga readers!!