Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, August 20, 2008

Rachelle Ann Go not affected by her rivalry with Sarah Geronimo

Rachelle Ann Go not affected by her rivalry with Sarah Geronimo

Rachelle Ann Go not affected by her rivalry with Sarah Geronimo
At present, busy ang young singer na si Rachelle Ann Go sa pagpu-promote pa rin ng kanyang album na Rachelle Ann Rocks Live! nang makausap namin siya sa Entertainment Center ng SM North during the third anniversary of the radio show na Wow! Ang Showbiz! last Sunday, August 17.

"Noong April po kasi, nilabas na namin yung CD; ngayon naman, ang nilabas namin yung DVD naman po na pinu-promote ko pa ngayon. Ginawa po naming parang concert. Parang tuloy-tuloy lang siya. So, may CD at may DVD po siya," simula niyang kuwento sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

RIVALRY WITH SARAH. Sinasabing sina Rachelle at Sarah Geronimo ang magkakumpitensiya pagdating sa kanilang singing career. Pero on Sarah's part, she was able to try acting at sa recent movie niya na A Very Special Love, nakuha niya ang respeto ng mga manonood bilang isang aktres at napatunayan niya na kaya pala niyang gumawa ng isang box-office movie.

Ano ang masasabi ni Rachelle Ann sa pagiging successful ni Sarah sa larangan ng pag-arte?

"Sobrang happy ako for her! Nasaksihan ko yung premiere [night], sobrang dami ng tao, nakakatuwa! At ang ganda ng kinalabasan ng movie. Sobra, sobrang ganda! Happy ako for her," banggit ng Search For A Star winner.

Na-encourage ba siya after seeing Sarah to try acting too?

"Naku, sino naman po kaya ang manonood sa akin?" pa-humble niyang sabi na natatawa. "Well, for me, okay lang naman po. Pero wala pa naman po as of now na mga offers."

Aminado si Rachelle na nagkaroon na rin siya ng acting workshop at dati pa ay pinag-iisipan na rin niya na subukan ang pag-arte.

"Nag-workshop po ako noon, kasi parang masaya rin. Parang enjoy, magiging friends mo lahat ng makakatrabaho mo. Actually, si Sarah nga po, palagi ko pa rin sinasabi sa kanya na it's good na hindi pa rin siya nagbabago kahit na malayo na ang nararating niya. Sobrang nakaka-inspire yung ganoong klase ng tao," saad ni Rachelle.

Alam din ni Rachelle na silang dalawa talaga ni Sarah ang pinagkukumpara palagi

"Opo nga, palagi," pagsang-ayon niya "Pero kami kasi ni Sarah, we don't get affected on that. Sobrang ine-encourage namin ang isa't isa. Sobra! Like sa ASAP, tinululungan namin ang isa't isa with the songs. Okey po kami."

RACHELLE'S EX. When it comes to her ex-boyfriend Christian Bautista, wala na raw siyang magagawa kung iba ang gustong paniwalaan ng mga tao tungkol sa kanilang dalawa.

"E, kanya-kanya ng paniniwala ng mga tao, di ba? Basta ako, alam ko kung ano ang totoo. Hindi ko na kailangang mag-explain sa tao. Basta kami po ni Christian, we're good friends now."

Natawa si Rachelle nang kamustahin ng PEP sa kanya ang mga kissing scenes ni Christian sa dalawang alternating "Maria" sa musical na West Side Story na sina Karylle at Joanna Ampil. Sabi niya, naikuwento na raw sa kanya ni Christian yun.

"Well, sabi ko talaga sa kanya, panonoorin namin ‘yan!" tawa niya.

So, kaya niyang panoorin nang live?

"E, wala na naman po akong ano, kumbaga, kahit ako rin naman po ang girlfriend niya, wala na rin naman po akong magagawa. Kumbaga, trabaho siya. Kung ilalagay ko ang posisyon ko sa posisyon niya, siyempre trabaho yun, e."

Right now, wala raw siyang ine-entertain na manliligaw at lalong wala rin daw siyang panibagong karelasyon.

"Never po akong nakipag-date," giit ni Rachelle. "Never pa kong lumabas after namin ni Christian. It's my choice rin naman po. Kasi palagi ko nga pong sinasabi, hindi naman ‘yan hinahanap, kusang dumarating naman ‘yan. Ayokong makikipag-date kung kani-kanino para makapili. Ewan ko. For me kasi, hindi ganoon ang paniniwala ko. I'm just waiting for the right person."






JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: