Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, August 13, 2008

Promising child star si Trisha Gayod

Promising child star si Trisha Gayod















MAGANDA ang takbo ng showbiz career ng child star na si Trisha Gayod dahil hindi siya nawawalan ng proyekto.

Sa Sabado ay mapapanood siya sa Maalaala Mo Kaya kasama si Sarah Geronimo. Pagkatapos siyang mapanood sa defunct TV show na Prinsesa ng Banyera ng ABS-CBN, heto't magkakaroon na naman siya ng regular show sa Kapamilya Network, at hindi lang isa, kundi dalawa pa, huh!

Kasama siya sa Utoy na pagbibidahan ni Makisig Morales at sa Parekoy na bida naman sina Zanjoe Marudo at John Prats.

Tapos na ring gawin ni Trisha ang isang indie film titled Amihan, kung saan ay challenging ang role niya rito. Magsu-shoot siya ulit ng isang movie na ididirek ni Cesar Apolinario.

Kahit busy sa kanyang career si Trisha ay hindi pa rin niya napapabayaan ang kanyang pag-aaral. In fact, consistent honor student siya sa Morning Star Montessori, Villa Zenaida, Calamba, Laguna kung saan ay grade 3 na siya.

Guest din si Trisha ngayong August 14 show sa Zirkoh-Timog kung saan ay tampok sina Gabby Concepcion, Toni Gonzaga, Valerie Concepcion, Joross Gamboa at Baywalk Bodies. Talbog!

Halaw sa panulat ni Roldan Castro sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar







JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: