Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 18, 2008

Precious Lara Quigaman: Blessing in disguise ang pagkakaalis sa Wowowee

Precious Lara Quigaman: Blessing in disguise ang pagkakaalis sa Wowowee
Miss International 2005

Ayon kay Precious Lara Quigaman, forgiven and forgotten na ang pagkakaalis niya sa Wowowee at isang nakaraang chapter na ’yon sa kanyang buhay.

Wala na siyang sama ng loob kaninuman at nakapag-move-on na raw siya.

In fact, blessing in disguise pa nga raw na maituturing ang nangyari dahil after na matanggal siya, napakaraming offers na nagsidatingan sa kanya.

Noong time raw kasi na nasa said noontime show siya, wala na siyang ibang magawa dahil nakakain ang lahat ng araw niya ng programa.

At least ngayon, marami siyang time na gawin ang iba pang bagay na gusto niya.

Hindi na raw sila nagkausap o nagkita pa ng host na si Willie Revillame simula noong Mayo, pero wala raw problema kung magkikita or magkakasama sila ulit sa isang show.

“It was never me, the problem was never on my part, eh, sa kanya. He probably didn’t want me kaya that’s what happened. Kung magkakaroon ng project, I don’t know if I’m the one who’s going to say no.”

Pero ang bumalik daw sa Wowowee bilang co-host is something na sa ngayon, hindi niya gagawin.

“When I was kicked out of the show, ang dami kong na-realize na puwede kong gawin if I’m not there. And it’s hard to work in a place na you’re not wanted in the first place, ’di ba?

“No hard feelings but I don’t want na parang dagdagan pa ’yung problema sa buhay na ipagpipilitan ko pang ibalik du’n when I know in the first place that they don’t want me there,” sabi pa ng 2005 Miss International.

Sa ngayon, busy si Lara sa sinimulang Turismo Pilipina Charities, Inc. kasama ang dalawa pang beauty titlists na sina Karen Loren Agustin-Ostrea (Bb. Pilipinas-Universe 2002) at Denille Lou Valmonte (Bb. Pilipinas-International 2006).

Turismo Pilipina 2008 is looking for exceptional young women to represent their respective provinces. The search is open to all natural-born Filipinas, single, 18-25 years old, at least 5’5” tall and a high school graduate with outstanding beauty and personality.

Pageant screening dates are on Aug. 16, 17, 23, 24, 30 and 31, Sept. 6 and 7, 1-6 p.m., at Hotel Rembrandt.

Ang coronation night naman ay gaganapin sa October 10 sa AFP Theater.









JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: